Pagkatapos nilang kumain ay isa-isang umalis ang mga kaibigan nila. Halatang pinagtabuyan na ito ni Elijah, parang gusto talagang mapag-isa kasama siya. Walang tumutol, alam ng lahat na hindi biro ang pinagdaanan nila ngayong araw.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Nakahiga lang siya sa kama, nakapikit at pilit nagpapahinga. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi pa rin tuluyang kumakalma ang kanyang dibdib.Maya-maya, tumabi si Elijah sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na takot itong mawala ulit siya.“Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot kanina nang malaman na kinidnap ka ni William, babe,” mahina ngunit puno ng galit na sambit nito. “Parang gusto kong halughugin ang buong Quezon Province, makita ka lang agad.”Humigpit pa ang yakap nito. “Kung ako lang, ipapakulong ko ang lalaking ’yon. He will not mess with my woman. Nasa teritoryo ko siya, kaya dapat lang siyang matakot.”Marahan niyang hinawakan ang braso nito. “It’s okay, babe… kapag ginawa mo ’yon, lalo lang
Last Updated : 2026-01-05 Read more