"Hmp bahala ka dyan!" Inis na sabi niya pero ang totoo ay nakokonsensya din siya. Bakit kasi hindi niya matago ang kanyang inis? Pwede naman siyang magkunyaring hindi nagagalit. Masyado siyang transparent sa kanyang nararamdaman.Hindi nagtagal ay nakita niya si Felix na lumabas ng bahay at nakabihis na ito ng pantalon at puting t-shirt. Para itong binata at hindi gobernador.“Dad, saan ka pupunta?” tawag ni Elijah.“Ah, something came up. Ipagpatuloy n’yo lang dyan,” sabi nito saka mabilis na sumulyap sa kanya.“Sige, Dad, ingat ka. Balik ka agad ha, hihintayin ka namin.”“’Wag n’yo na ako hintayin, gagabihin ako.”“Ganun ba. Sige.”Muling bumalik ang kasiyahan ang mga ito nang hindi man lang napansin ang pag-iwasan nila ni Felix. Naroon lang siya, kunot-noo habang pinagmamasdan si Felix na papalayo. Hindi man niya gustuhin, napapailing siya sa sariling reaksyon."Bakit ba ako ganito?"Kanina lang, inis na inis siya, pero ngayong bigla itong umalis, may kumurot namang hindi niya main
Dernière mise à jour : 2026-01-13 Read More