THIRD PERSON:"Ano na ang plano?" tanong ni Ericka sa kausap habang kinakagat ang kanyang kuko, halatang hindi mapakali. Ang mga mata niya’y singkit sa inis at punong-puno ng pag-aalab ang tinig."Mahirap ang pinapagawa mo, Ericka. Ang daming bantay sa paligid ni Maricar. May mga bodyguard siya, may CCTV pa sa lahat ng sulok ng bahay at opisina niya. Hindi gano'n kadali ‘yon," sagot ng lalaking kausap niya, halatang may alinlangan at kaba sa boses."Ano?! Ibig sabihin niyan, hindi mo na gagawin ang ipinapautos ko sa’yo?"Bahagyang umiling ang lalaki, at tumingin sa kanyang kasama na tila nag-aantay ng desisyon mula rito."Nakadepende rin kami sa go-signal niya," mahinang sabi ng isa pang lalaki, sabay iwas ng tingin kay Ericka. Halatang ayaw nilang mapikon pa ito."Ang tatanga-tanga niyo!" pasigaw na bulalas ni Ericka,"Para lang kidnapin, o patayin, ang babaeng 'yon, hindi niyo pa magawa?! Akala ko ba mga propesyonal kayo?!""E di ikaw na lang ang gumawa kung ganyan kadali lang pala
Terakhir Diperbarui : 2025-06-23 Baca selengkapnya