Share

CHAPTER EIGHTY-ONE

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-27 08:57:45

THIRD PERSON:

Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.

Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.

Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-THREE

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-TWO

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-ONE

    THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY

    THIRD PERSON:Sa ilalim ng kalangitang punô ng mga bituin. Tahimik na nakaupo si Eunice sa upuang kahoy ng terrace, yakap-yakap ang sarili, habang nakatingala sa langit. Wari’y may malalim siyang iniisip, at ang bawat buntong-hininga niya’y sumasabay sa malamig na ihip ng hangin na dumadaloy sa katahimikan ng gabi."Anak?" malumanay niyang tawag. Napalingon si Eunice. Agad nitong pinunasan ang mga luha sa pisngi, pilit na pinapawi ang bakas ng pag-iyak."Mama, bakit po gising pa kayo?" Lumapit si Maricar at dahan-dahang isinuklob ang kumot sa balikat ng anak."Dapat ako ang nagtatanong niyan. Bakit gising pa ang prinsesa ko sa ganitong oras?" Napayuko si Eunice, hindi sumagot."Bakit, Eunice?" mahinahong tanong ni Maricar, may halong pag-aalala sa tinig."Wala po ito, mama." Umiling si Eunice, pilit na ngumiti, pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Umupo si Maricar sa tabi niya."Hmm… gusto mo na bang magka-boyfriend, ha?" pabirong tanong niya, sabay kurot sa pisngi ng anak para

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-NINE

    THIRD PERSON:"Ano na ang plano?" tanong ni Ericka sa kausap habang kinakagat ang kanyang kuko, halatang hindi mapakali. Ang mga mata niya’y singkit sa inis at punong-puno ng pag-aalab ang tinig."Mahirap ang pinapagawa mo, Ericka. Ang daming bantay sa paligid ni Maricar. May mga bodyguard siya, may CCTV pa sa lahat ng sulok ng bahay at opisina niya. Hindi gano'n kadali ‘yon," sagot ng lalaking kausap niya, halatang may alinlangan at kaba sa boses."Ano?! Ibig sabihin niyan, hindi mo na gagawin ang ipinapautos ko sa’yo?"Bahagyang umiling ang lalaki, at tumingin sa kanyang kasama na tila nag-aantay ng desisyon mula rito."Nakadepende rin kami sa go-signal niya," mahinang sabi ng isa pang lalaki, sabay iwas ng tingin kay Ericka. Halatang ayaw nilang mapikon pa ito."Ang tatanga-tanga niyo!" pasigaw na bulalas ni Ericka,"Para lang kidnapin, o patayin, ang babaeng 'yon, hindi niyo pa magawa?! Akala ko ba mga propesyonal kayo?!""E di ikaw na lang ang gumawa kung ganyan kadali lang pala

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status