Kateryna's POV "See you ulit," sabi ni Nesha habang may malungkot na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kan'ya, kahit na nalulungkot din ako. "See you ulit," sabi ko bago ko sila niyakap ni Maya. "Mag-iingat kayo," sabi ko pa saka ako tumingin kay Vivian na nakatingin sa akin. "Ikaw naman, sa susunod mag-iingat ka para hindi ka nasusugat kung saan-saan. Buti mababaw lang 'yan," sabi ko habang nakatingin sa leeg niyang may band aid. "I'm fine, ano ka ba. This is nothing. Pero if wala lang ibang tao sa restaurant na 'yon baka naputol ko na ang kamay ng may gawa nito," sagot niya sa akin bago bahagyang tumingin sa likod ko. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Parang kilala mo naman kung sino nakasira ng p***o," sabi ko pero hindi siya sumagot. Tanging pagngiti lamang ang naging tugon niya sa akin. Matapos niya kasi magbanyo kanina ay mayroon na siyang sugat sa leeg, ang sabi niya sa amin dahil daw sa p***o na sira. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon dahil hindi niya naman kinu
Read more