Kateryna's POV "I am Mazy Mariz McKenzie, the owner of McKenzie's Empire. Everett Gunner's girlfriend, and also Gunner Corporation's new Acting Chairwoman of the Board," sabi niya habang may isang proud na ngiti. Lalo namang umingay ang paligid namin nang dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako kumibo. Kaya pala pamilyar siya sa akin ay dahil siya pala si Mazy. Isang beses ko pa lang siya nakita, kaya hindi ko siya nakilala. Bahagya naman akong ngumiti bago ako huminga ng malalim. Kung hindi ko lang alam kung ano ang plano ni Everett sa babaeng 'to, baka lumabas na ako ng kwartong 'to at umuwi. Pero ako ang asawa, kahit hindi tunay ang lahat ng relasyon namin ni Everett, ako ang asawa na nakalagay sa papel kaya ako pa rin ang may karapatan. Ngumiti ako pabalik sa kan'ya bago ako tumango. "I see. However, your delusions aren't welcome to OUR company. And your relationship with MY husband wasn't the reason why WE have this meeting. So, if you'll excuse us, the door is open. Anyon
閱讀更多