"I am sorry, Are! Magta-trabaho lang po ako pero hindi ko naman po akalain na matatagalan akong makabalik eh. Pero, nandito na ako, Ate. Back to normal ang buhay ” Nakangiti niyang wika dito. “Talaga ba? Naku, ikaw talaga, ang dami mong dapat na ipaliwanag sa akin. Ang tagal mong nawala at alam mo bang hindi ako mapalagay sa kakaisip sa iyo. Nag-aalala ako sa kalagayan mo! Ilang beses din kaming nagrequest sa UNIPAK ng information tungkol sa kinaroroonan mo pero ayaw nilang magbigay. Confidential daw at iyun din daw ang bilin mo.” Seryoso nitong wika sa kanya. “Sorry na, Ate! Alam mo naman po na magulo ang isip ko noon kaya nakapgdesisyon ako ng ganoong bagay. Gusto ko din kasing makalimot kaya naman pinili ko na lang na lumayo muna.’” Nakangiting sagot niya dito “So, kumusta ka? Ayos ka na ba ngayun? Well, nakakangiti ka na kaya iisipin ko na naka-moved on ka sa kanya?” seryosong tanong nito sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango “Dalawang taon na din ang lumipas, Ate. Oka
Last Updated : 2025-08-07 Read more