KATRINA Tama si Cassy, pagkadating palang nila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Christopher, hinarang na siya ng bantay. Ayaw siyang papasukin at kahit grabe na ang pakiusap ni Cassy ayaw pa rin pumayag ng mga ito “Mam, ang mabuti pa po, kausapin niyo po muna ang Kuya niyo. Sabihin niyo po na nandito si Ms. Katrina at kung papayag po siyang papasukin siya, tsaka pa lang po kami papayag.” Seryosong wika ng isa sa mga bantay. Halata ang inis sa mukha ni Cassy bago ito nagpaalam kay Katrina na mauna nang pumasok ng kwarto Kakakusapin daw nito ang kapatid. Sa pagpasok ni Cassy sa kwarto ni Christopher, patuloy na umaasa si Katrina na kakausapin din siya ni Christopher. Kaya lang, nang lumabas si Cassy na malungkot ang mukha, doon lang mas lalong naintindihan ni Katrina ang lahat-lahat. Ayaw na talaga ni Christopher na kausapin siya. “I am sorry, ginawa ko na ang lahat pero sadyang bato na yata ang puso ng kapatid kong iyun eh.” puno ng simpatiya sa boses ni Cassy na wika nito
Last Updated : 2025-07-27 Read more