CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA “Fake news? I don't know if what I heard about you is fake news, but...whatever….basta ang mahalaga nagkita tayo ngayun…” nakangiting wika ng pinsan kong si Krisitina. Lumitaw tuloy ang biloy nito sa magkabilaan nitong pisngi. Well, ang ganda talaga ng pinsan ko. Super ganda kagaya ko-- “Fake news nga iyun..teka lang, gusto mo ba Itong dress na ito? Mine ko na sana itong color white eh…and sana, iyo na lang iyang pink.” Nakangiting wika ko. Hawak pa rin naming dalawa ang color white dress na akala mo walang gustong bumitaw eh. “Well, dahil pinsan kita, handa naman akong mag give-way. Hindi din naman ako sure kung masusuot ko ba itong color white pero sige, akin na lang itong pink. Elegant din naman ang cut niya at parang bagay naman sa akin.” sang-ayon nito. Oh diba…talagang pinagdiinan pa na magpinsan kami kaya ayos lang na pagbigyan ako. Pero kung ibang tao siguro, duda ako kung mag-give way ba itong si Krisitina. Sabagay, kung brat ako dahil
Last Updated : 2025-12-08 Read more