JILLIAN SANTILLAN POV "Yes, ayos lang ako..teka lang, ikaw, okay ka lang ba? Ralph, bakit parang hindi ka masaya na inihatid ako ni Russell?" pranka kong tanong dito Halata naman kasi talaga sa boses nito eh. Hmm, don't tell me na nagseselos ito kay Russell? Well, hindi ko tuloy malaman kung kikiligin ako or hindi. Pero, isa lang ang sigurado ako, masarap isipin na mahal nga talaga siguro ako nito. "Kung ang sagot ko sa iyo ay oo, maniniwala ka ba sa akin?" seryosong tanong nito. "Naiinis akong isipin na pumapapel ang Russell na iyan.' dagdag pa nito sa akin "And, hwag mo din kalimutan na pamangkin ko siya. Ano ka ba, huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan. Mahal kita at sobrang namimiss na nga kita eh." nakangiting wika ko. Muli akong napatitig sa mga kaibigan kong sila Nelly at Cherryl at nang mapansin ko na naglalakad na sila palapit sa akin, mabilis na din akong nagpaalam dito kay Ralph. "Hmm, RAlph, I have to go, kailangan ko nang pumunta ng classroom. Tsaka na tayo mag-u
Read more