JILLIAN SANTILLAN POV "Pamilya po, asawa at mga anak, nasaan po sila?" seryosong tanong ko kay Manang Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero naaawa talaga ako dito sa ale. Imagine, halos dalawang dekada na nakulong, nakalabas nga ng kulungan pero naging palaboy naman "May anak ako pero, pinaampon ko siya. Mga kamag-anak, ewan ko kung kilala pa nila ako. Never silang dumalaw sa akin sa kulungan kaya iniisip ko na lang baka nakalimutan na din nila ako. Pati mga kaibigan, tinalikuran na din ako. Siguro, ganito talaga ang buhay, nakatakda akong mamuhay mag-isa at mamatay mag-isa." malungkot nitong wika sa akin Hindi naman ako nakaimik. Pakiramdam ko, may kung anong matalim na bagay ang biglang kumurot sa puso ko. HIndi ko kilala ang babaeng ito pero awang awa talaga ako dito "Here...kung gusto mo talagang makahanap ka ng trabaho, bukas ang pintuan ng Villarama Empire sa lahat ng gustong magtrabaho. Iyan ay kung hindi ka naman mapili sa trabaho." seryosong wika ni Kuya
Read more