JACQUELINE POV "ANG kapatid mo. Si Aimee. Magkapareho kayo ng type ng dugo at nag-volunteer siya i na siya na lang daw ang magdodonate." seryosong wika ni Russell sa akin Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Kung ganoon, utang ko pala sa kanya ang buhay ko?" mahina kong bigkas. Kaagad din naman tumango si Russell Kung wala siya, baka mas mahirapan tayong maghanap ng type ng dugo ng kagaya mo. Very rare lang kasi talaga ang type ng dugo na meron ka eh." sagot din naman ni Doc. HIndi naman ako nakaimik dahil sa totoo lang, hindi ko din malalaman kung masaya ba ako Pero, iisa lang ngayun ang tumatakbo sa isipan ko. Sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ni Aimee sa akin noon, talagang bumabawi siya ngayun "Kumusta siya?' seryosong tanong ko "NO worries, okay naman siya. After siya kunan ng dugo, nakaramdam lang siya ng kaunting pagkahilo at panghihina. Pero, no worries, sinigurado kong may nakamonitor din sa health niya para hindi ka mag-alala." nakangiting wika ni Ru
Ler mais