The kids dramaJELA POV "Tito Papa," sabi ng isa sa kambal, "paano po ba maging champion? Gusto ko rin kasi maging champion kagaya mo." Nagkunwari si Jupiter na seryoso. "Kailangan... kumain ng maraming gulay." "Ha?!" sabay reklamo ng tatlo. Natawa naman sila Tita. "Hindi po totoo 'yan!" kontra agad ni Jam. "Hindi po mukhang kumakain ng ampalaya si Tito Papa!" "Aba!" natatawang sagot ni Jupiter. "Kumakain ako, huh!" "Proof po, Tito Papa!" sigaw ng kambal. "Wala akong proof sa ngayon," natawa siya. "Sabi ko na nga ba," mahinang sabi ni Jam. "Fake news si Tito Papa." Halos mabulunan ako ng tubig. "Jam, ikaw talaga!" "Totoo naman po, Mama!" sagot ni Jam. "Saka, Mama, sabi ni teacher kapag gusto lumakas ang katawan, pwede rin kainin ang prutas, manok, karne, isda, kahit wag na ang gulay," sagot ni Jon. "May tawag si teacher sa mga pagkain na 'yan, eh . Pro-something, basta gano'n, wait lang isipin ko pa. Para di kami fake news dito," sagot rin ni Jan. Lalong nag-ingay ang me
Read more