Pinaningkitan niya ako ng mata,pumasok ako ng kwarto,sinara at agad kong nilock iyon.Kakalock ko pa lang ng pinto,kumatok agad si dimitro."Netha."tawag nito sa akin.Hindi ako sumagot,naglakad ako patungo sa kama,tinanggal ko ang suot kong sapatos,saka ako humiga."Netha."muling tawag nito sa akin.Pumikit ako,hindi ko siya pinansin."Open this door,netha."Narinig ko ang paggalaw ng doorknob,mukhang hinawakan iyon ni dimitro,pero dahil kampante ako,hindi ko rin iyon pinansin.Nagmulat ako,biglang tumahimik si dimitro,umalis na ba siya sa harap ng pinto?Hmp!bahala nga siya!bweset na lala-Bigla akong napabangon ng marinig ko ang parang kalansing ng mga susi,nakatingin ako sa pinto,gumalaw ang doorknob,bumukas iyon,dumiretso ang mga mata ni dimitro sa akin.Mabilis itong lumakad patungo sa akin,napasinghap ako ng biglang humawak ang malaking kamay niya sa braso ko."Halika na."malaki ang boses na sabi nito.Pumiglas ako,kunot ang noo kong tumingala sa kanya,nakababa na ako sa kama.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-29 Baca selengkapnya