Pagkasabi niya no’n, sumakay na sila ng elevator nina Jasper, David, at Samantha.“Grabe, sobrang badtrip talaga ‘yung matandang ‘yon. Nakakasira ng moment,” reklamo ni Jasper habang paakyat ang elevator.“Domineering buong buhay niya, tapos ngayong matanda na, gusto pa ring kontrolado lahat,” dagdag pa niya.Napatawa si Cailyn, “Eh kung gan’un, may alam ka bang paraan para matanggal ‘yung ugali niya?”“Hmm… teka… mahirap ‘yan,” sagot ni Jasper sabay kamot sa batok. “Alam mo na, kain na lang tayo! Pa-deliver na lang sa condo?”“Gusto mo ako na lang magluto? May ingredients ka ba sa bahay?” tanong ni Cailyn.“Seriyoso ka? Hahaha! Aba, privilege ‘to! Si Madam Cailyn mismo magluluto para sa amin?”“Bakit, baka akala mo para sa’yo lang? Para kina Mr. David din ‘yan!” sabi ni Cailyn habang sinulyapan siya.“Ako na bahala sa hiwa-hiwa,” sabat ni Samantha.“Hahaha! Ayos, ayos! Tara na!”Samantala, sa airport...Kakababa lang ng Gulfstream G700 ni Austin nang tumunog ang cellphone ni Felipe.
Terakhir Diperbarui : 2025-06-03 Baca selengkapnya