Pagbaba ni Kent, tapos na agad ang gulo.Hindi niya inaasahan na gano’n kabilis. May kasama pang barkada ‘yung lalaking nanggulo kay Ashley, pero ni isa sa kanila, walang nagawa laban sa isang kagaya ni Miggy.Bukod pa ro’n, kaibigan ng may-ari ng bar si Alexis, at kilala rin si Miggy. Siyempre kampi sila sa kakilala nila.Kanina, medyo tipsy si Ashley dahil sa ilang basong alak kaya naging ganado siya. Pero ngayong kumalma na, may halong kaba na rin siya na baka naging padalos-dalos siya. Kung hindi lang nataon na nando’n si Miggy, baka siya pa ang dehado ngayong gabi.“Salamat talaga kanina. Libre kitang kumain kapag may oras ka,” sabi niya.“We’re family na ‘yan, sister-in-law. Huwag ka nang formal,” sagot ni Miggy habang kumaway lang. Napatingin pa siya sa blondeng kasama ni Ashley. Kapwa sila nagkatitigan, at kita sa mga mata ng babae ‘yung paghanga sa kanya.Bahagyang uminit ang pisngi ni Miggy kaya umiwas siya ng tingin at nagkamot ng batok. Bago pa siya makapagsalita, napansin
Last Updated : 2025-08-01 Read more