Elizabeth's Point of View "What can we expect with the Dela Fuentes? They're heartless." Biglang sabat ng isang lalaki mula sa kabilang mesa.Nang lingunin namin iyon, nakita kong umiiling si Cyrus. Bahagya pang nakapikit ang kaniyang mga mata na tila bigong-bigo siya."Ito, since I already have a girlfriend, siguro no issue na kapag sinabi kong sinubukan kong magconfess kay Liza no’ng grade 9 tayo! Ang kaso, ang sabi ba naman sa akin, 'I'm sorry, but I'm not into small boys'. Grabe, nawasak talaga ang puso ko! Maliban sa binasted na ako, nilait pa ang height ko."Humilig siya sa kaniyang upuan, sabay hawak sa kaliwang parte ng kaniyang dibdib na tila sumasakit ang parteng iyon.Nagtawanan ang mga babae sa mesa namin, samantalang napangiwi namin ako.I couldn't remember that part. Ni-hindi ko maalala na may nagconfess sa akin no’ng highschool ako."Ako rin, naglalagay ako ng love letter sa locker ni Liza. Pero mukhang hindi naman niya binabasa." Dagdag pa ng isa."Hala, totoo Fredo?
Terakhir Diperbarui : 2025-05-16 Baca selengkapnya