Napagdesisyunang mag-usap nina Evony at Ice sa labas ng bahay para makalanghap na rin ng sariwang hangin. Siniguro nilang hindi sila makakagawa ng ingay dahil paniguradong pareha silang pagagalitan ni Inay Marya kapag nalaman nitong nasa labas pa rin sila ng disoras ng gabi. “Kamusta pala ang naging byahe niyo kanina?” tanong ni Evony habang naglalakad sila sa dalampasigan, malapit kung saan sila nag-usap ni Gabriel kanina. “It was smooth,” Ice shortly answered. By the tone of his voice, Evony knew that he couldn’t wait much longer to have that “talk”. “Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” Doon ay diniretso na siya ni Evony. “Tungkol ba ‘to sa kausap ko kanina?” “It was him, wasn’t it?” Ice turned to her seriously. “Siya iyong lalake sa buhay mo noon? Si Gabriel, tama?” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Evony at agad na tumango. Ice's face immediately contorted in annoyance like a reflex. “How did he get here? Paano ka niya nahanap?” halos asik nito. “I don't know, Ice,” Evony re
Ler mais