“You filed the case?” Saint nearly exclaimed. Gabriel immediately raised both his hands in protest. “T-teka, magpapaliwanag ako—” Susugurin na sana siya ni Saint kung hindi lang sila pinagitnaan ng mga pulis. “Sandali lang, Mr. Irvine. Huwag kayong magtalo rito sa loob ng istasyon. Nakakaabala kayo sa mga officer,” agad na awat ni Chief Robredo. “Kumalma muna kayo para mapag-usapan natin ang kaso ng anak niyo.” Sakto namang lumabas din si Chief Arroyo na siyang kumakausap kay Gabriel kanina. “He filed the case a few minutes ago. Nakumpleto niya na ang case profile at napunan niya na lahat ng impormasyong hinahanap namin. Sa ngayon ay mino-monitor na namin ang suspek sa hospital,” imporma ng chief. Mukha itong strikta dahil sa talim na rin ng boses nito. “You mean the investigation is already ongoing?” Saint blurted out, a bit surprised by the progress of the case. Sinulyapan niya si Gabriel na lukot ang mukha marahil sa takot. “As a matter of fact, yes,” pagtango ni Chief Ar
Read more