I was seething in anger when I came face to face with Dominic. Ngayong nasa malapit na siya ay parang bumabalik ang memorya ko noong bata ako kung saan walang habas na pinatay ang mga magulang ko. At ngayong nasa harap ko na siya, wala akong ibang gustong gawin kundi iparanas sa kanya ang naranasan ko noon. Iyon dapat ang maramdaman ko dahil hindi iyon ang tama, pero sa sinabi ni Dominic, tila isang bato ang inihagis sa loob ng utak ko at sandali itong nalinawan.“Hindi ako ang pumatay sa mga magulang ni Gabriel!”I should not believe him. Kumpara sa kanya, mas nakasama ko ang pamilya ko nang mas matagal. Ang lolo ko na mismo ang nagsabi na si Dominic ang pumatay sa mga magulang ko. Ano pa bang katotohanan ang gusto kong makuha?Hindi naitago ni Evony ang kanyang gulat nang sumagot pabalik si Dominic. Taliwas sa galit na galit na itsura ni Arnaldo, mas kalmado ito ngunit mas may diin ang boses.“Sinungaling! Matagal na kitang hinahanap, Dominic! At ngayong nandito ka na, hindi ko hah
Mehr lesen