GABRIEL’S POVHabang kami habang nasa byahe. Si Mr. Irvine ang nasa passenger seat katabi ng driver seat, samantalang kami naman ni Mrs. Irvine ang nasa backseat, nakaupo sa magkabilang gilid. Nasa kanang parte ako habang nasa kaliwa naman si Mr. Irvine, parehas kaming nakatanaw sa bintana. Tila dama rin naman ng driver ang tensyon sa pagitan naming tatlo kaya binuksan niya na lamang ang radio na tahimik kong ipinagpasalamat. Sa buong byahe ay wala ni isang boses ang umalingawngaw. Kahit na may tumawag sa driver ay hindi niya ito sinagot para lang manatiling tahimik ang loob ng kotse. Nang makarating kami sa mansion, hindi ko pa naa-appreciate ang ganda nito nang bumaba na agad ang mag-asawa. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila.“Nasaan si Evony?” matalim na tanong ni Mrs. Irvine. Matunog akong napalunok. Seryosong-seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin, walang bahid ng kakulitan hindi gaya noong magkakasama pa kami. Parang mas nag-mature din ang kanilang itsura sa s
Mehr lesen