Tiningnan ko ang orasan at malapit na mag-alas syete ng gabi. Ilang minuto na lang ay papapasukin na nila ang mga bisita sa labas. Nakaharap lang ako sa salamin, ang isip ay tumatakbo sa iba’t ibang scenario na pwedeng mangyari ngayon nang muling bumukas ang pinto. Agad na nag-panic ang katawan ko sa isipin na baka si lolo ito, ngunit sandali rin akong kumalma nang makitang si Jennifer lamang ito. Her face looked worried as her mind stayed on my neck. Pasimple ko itong tinakpan at umiwas ng tingin.“What are you still doing here? Aren't you supposed to be the host tonight?” Tinasaan ko siya ng kilay.“Yeah, I just came to check out on you. Narinig ko kasi iyong ginawa ng lolo mo sa ‘yo,” sabi niya, hindi maitago ang pag-aalala sa boses. “Was that true? Kinuhaan mo ng bala ang mga baril?”Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “I don’t trust you enough to tell you something like this,” prangka kong sabi. She did not look hurt which relieved me. On the other hand, she just rolled my eyes
Read more