"Pinagsasabi mo?" wika ni Zayden. "Wala lang, parang ibang tao ang kaharap ko ngayon, eh. Hindi ko alam kung bakit sobrang bait mo sa akin ngayon..." Kumunot ang noo ni Zayden. Inisip niya kung saang parte siya naging mabait gayong parang normal lang naman ang ginagawa niya. "Saang parte ang mabait doon?" "Lahat. Mula noong tinulungan mo ako kahit nandoon si Chloe--" "Obviously dahil ikaw ang nasaktan at hindi siya," agad na depensa ni Zayden. Mapait na ngumiti si Czarina at iniwas ang mga mata sa lalaki. "Hindi ka naman ganoon noon," sagot ni Czarina. "Tapos personal mo pa akong dinala dito sa hospital, ginamot, inalalayan, at ngayon nandito ka pa rin." Nagkibit ng balikat si Czarina. "Don't get me wrong, wala akong ibang gustong sabihin o ipahiwatig, medyo naninibago lang talaga ako." "That sounds like I never cared for you even for a tiny bit back then," medyo naiinsultong sabi ni Zayden. Lumamlam ang mga mata ni Czarina. Hindi na niya kailangan pang magsalita upa
Last Updated : 2025-06-27 Read more