Share

Chapter 91

Penulis: Raine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-27 21:33:14

"Pinagsasabi mo?" wika ni Zayden.

"Wala lang, parang ibang tao ang kaharap ko ngayon, eh. Hindi ko alam kung bakit sobrang bait mo sa akin ngayon..."

Kumunot ang noo ni Zayden. Inisip niya kung saang parte siya naging mabait gayong parang normal lang naman ang ginagawa niya.

"Saang parte ang mabait doon?"

"Lahat. Mula noong tinulungan mo ako kahit nandoon si Chloe--"

"Obviously dahil ikaw ang nasaktan at hindi siya," agad na depensa ni Zayden.

Mapait na ngumiti si Czarina at iniwas ang mga mata sa lalaki.

"Hindi ka naman ganoon noon," sagot ni Czarina. "Tapos personal mo pa akong dinala dito sa hospital, ginamot, inalalayan, at ngayon nandito ka pa rin." Nagkibit ng balikat si Czarina. "Don't get me wrong, wala akong ibang gustong sabihin o ipahiwatig, medyo naninibago lang talaga ako."

"That sounds like I never cared for you even for a tiny bit back then," medyo naiinsultong sabi ni Zayden.

Lumamlam ang mga mata ni Czarina. Hindi na niya kailangan pang magsalita upa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
DCC
Update please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 119

    Mas lalong naguluhan ngayon si Zayden. May nakakita sa kanila na magkasama doon sa mismong lugar ng insidente ng araw na iyon. Ano ang ginagawa ni Czarina doon? Naalala niyang muli ang sinasabi ng halos lahat ng nasa paligid nila, na laging nakasunod sa kanya si Czarina. Dumagdag pa na wala ito sa kanyang pamilya noong panahon ng kidnapping. Mabigat ang paghinga niya at kagat niya ang kanyang daliri habang palapit sa pwesto ni Czarina. Gawain niya iyon kapag sobrang daming bumabagabag sa kanyang isipan. Umupo ito sa tapat ni Czarina at agad napansin ng babae ang lalim ng gitla sa noo nito pati na rin ang pagkagat-kagat niya ng kanyang daliri. "Ano ka, bata? Kinakagat pa rin ang daliri? Tss." Umiling-iling si Czarina. Inalis ni Zayden ang daliri sa bibig at umayos ng upo. Napatitig siyang muli sa babae sa kanyang harapan. Si Czarina nga kaya ang nagligtas sa kanya noon at hindi si Chloe? Pero bakit? Paano? Wala siyang narinig mula kay Czarina sa loob ng maraming taon tungkol s

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 118

    Nang marinig ang mga salitang iyon ay iisa lang ang pumasok sa isipan ni Czarina... na iba ang tingin sa kanya ni Zayden, na inaakala nito na isa siyang malanding babae na naghahanap lang ng kung sino-sinong lalaki. "Saan ako pupunta? Maghahanap ako ng matangkad na basketball player, masarap kasama, pogi, at..." Sumingal si Zayden. Hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot ni Czarina sa kanya. "Are you that lonely?" Hinawakan nito ang baba ni Czarina at pilit itong pinatingin sa kanya. Malamig ang mga mata nito, walang kaemo-emosyon. "Ikaw ang nagsasabi na naghahanap ako ng lalaki, hindi ba? Ano namang mali kung totoo? Na naghahanap ako ng gwapong lalaki? Masama?" Nagtaas ng kilay si Czarina. Umawang ang labi ni Zayden at may sasabihin sana nang may idagdag muli si Czarina. "Mr. Hart, hindi naman pwedeng ikaw lang ang pwedeng dalawa ang babae, 'di ba? Huwag kang double-standard. Tapos ako, ano? Basta asawa lang sa bahay? Gano'n?" Nanatiling nakatitig si Zayden sa babae.

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 117

    Nakasuot ng leather jacket ang lalaki at sa loob no'n ay ang puting shirt na suot niya kanina. His hair is messy but that only made him more cooler. Malaki ang katawan ng lalaki at mahaba ang legs nito, pasadong-pasado kung sakaling magmomodelo.Sa muling pagsulyap ni Czarina kay Zayden ay nagpokus siya sa masungit nitong mukha. Kitang-kita niya ang hulma ng ilong nito na parang manika sa pagkaperpekto, malalim ang mga mata at makapal ang kanyang kilay. Hindi na niya kailangan ng contour dahil sa jawline niya na mas nagpasungit pa sa kanyang mukha.Napalunok si Czarina. Na-inlove siya sa lalaking ito noong mga highschool pa lamang sila at habang tumatagal, lalo na't kinasal sila, ay aminado siya na ilang beses niya ring pinagpantasyahan ang lalaki. Those big hands on her body... she felt the tingling sensation while thinking about it.Ilang beses niyang pinigilan ang sarili na hawakan ito lalo kapag nakikita niya ang lalaki na walang damit kapag katatapos lang maligo. His chest muscle

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 116

    Pakiramdam ni Czarina ay mas lalong nadurog ang puso niya sa nasasaksihan. Pero hindi tulad ng dati ay hindi niya na hahayaang makitaan siya ng kahit kaunting reaksyon tungkol doon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Inatras niya ang card na hawak niya at muling ibinalik sa bag. Sinadya ni Chloe pumunta roon at um-order ng madaming pagkain na mahal para mapagastos si Czarina ng sobra. Tiyak na magwawala ito sa inis kapag nalaman na sa halip na si Czarina ay ang boyfriend niyang si Zayden ang nagbayad ng mga pagkain nila. Medyo hindi inaasahan ni Zayden ang nakuhang reaksyon kay Czarina. Dati ay magagalit ito o 'di kaya ay mangiyak-ngiyak na. Pero ang ginawa lang ni Czarina, matapos itago ang card, ay tumalikod na ay umalis. Ganoon na nga ba talaga kapag hindi na siya mahal ni Czarina? Kapag tuluyan na siyang sinukuan nito? Bumalik na sa table nila si Czarina dahil baka hinahanap na rin siya ng mga kasama. Pagkaupo niya ay sakto naman na dumating din si Zayden

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 115

    Ngumisi si Chloe nang makita ang tila hindi makapaniwalang reaksyon ni Czarina. Iniisip ni Chloe na walang pambayad si Czarina, akala nito ay normal na mga doctor lang ang pamilya nito pero hindi niya alam na sa likod ng mga malalaking negosyo ay madaming investments ang mga Laude, bukod pa ang sarili nilang kumpanya na siyang hina-handle ng dad niya."Bakit parang ayaw mo, Czarina?" may halong pang-aasar na tanong ni Chloe.Lahat ay tumingin kay Chloe nang magsalita ito pero matapos ang ilang segundo ay nilipat nila ang tingin kay Czarina habang naghihintay ng isasagot nito."No, hundred percent sure that it's okay," sagot ni Czarina at ngumiti sa kabulang kanilang lahat."Pwede niyo naman order-in kahit anong gusto niyo." Tumingin si Czarina sa waiter na naghihintay ng final orders nila. "Please prepare the best meals for us.""That's for sure, Miss Laude," sabi ng waiter na nakilala agad si Czarina.Namamangha ang mga kasamahan niya sa trabaho. Bukod sa nagustuhan nila ang sinabi n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 114

    Naghahanda na ang lahat papunta sa restaurant. Tapos na ang trabaho nila ngayong araw at may mga matitira lang na standby ngayong gabi. Nakapag-usap na silang lahat na sa Japanese Restaurant na lamang sila kakain para hindi na sila lumayo pa. Nagpaiwan si Czarina nang mapansin na wala sa kanya ang phone niya. Naalala niya na pumunta pala siya sa may kitchen area kani-kanina lang dahil nauhaw siya. Kaya nagpunta siya roon upang tignan kung nandoon ba ang cellphone niya. Pagbukas niya ng pintuan ay may tumunog na halos mapaigtad siya sa gulat. Tunog iyon ng isang bagay na nahulog sa floor. Nilingon ni Czarina ang pinanggalingan no'n at ilang pulgada ang layo mula sa kanya, nakatayo si Hannah na tila may tinatago sa kanyang likuran. Medyo namumula ang pisngi nito at hindi makatingin ng diretso kay Czarina. Napansin ni Czarina na sa tabi ng basurahan nakatayo ang babae. Ano naman kaya ang ginagawa nun do'n? Nagkunwaring hindi nagulat si Hannah pero halata na iyon kanina pa ni Czarina.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status