Bago pa makakilos si Czarina, dahil napansin din ni Zayden na natigilan ito, ay nilagpasan na siya ng lalaki at ito na mismo ang pumindot ng password. Pagkatapos ay lumingon siya kay Czarina upang magpaliwanag. "Iyan na rin ang nakasanayan kong gamitin kaya ibinalik ko na sa dati para hindi ko nakakalimutan." Pinanood ni Czarina na umapak sa loob ng bahay si Zayden. Habang siya ay nanatili sa kinatatayuan at medyo gulat pa rin sa mga naririnig mula sa lalaki. "Dapat masanay ka na, sooner or later, kailangan mo ring palitan iyan... at masanay sa mga bagong bagay," sabi ni Czarina. "Tulad ng?" malamig na sabi ni Zayden at nagtaas pa ng kilay habang pinagmamasdan si Czarina. "Tulad niyan. Medyo weird na ang wedding anniversary natin ang gamit mo. Tiyak na ma-o-offend si Chloe," sambit ni Czarina. Tinignan niya sa mga mata si Zayden. Hindi niya mabasa ang lalaki. Mamaya ay mabait ito, pagkatapos ng ilang segundo ay nag-iiba ang ugali. Pero may isa siyang sigurado... Na kah
"Zayden, ano ba?" pagpupumiglas ng babae. "Why?" Dinampian ng halik ni Zayden ang leeg ni Czarina. Pagkatapos ay tinitigan ang babae. "Hindi ba't ito ang gusto mo?" Tumulo ang maiinit na luha sa mga mata ng babae. Hindi ito ang gusto niya. God knows this isn't what she wanted! At kung may mangyayari man sa kanila ni Zayden, sa ganitong paraan, ay hindi niya alam ang gagawin. Kaya nagpatuloy siya sa pagpupumiglas. "Damn it, hindi mo ba naiisip man lang ang mararamdaman ni Chloe, ha?" aniya na binanggit na ang babae sakaling magbago ang isip nito. Nagtaas ng kilay si Zayden at hindi pinansin ang sinabi ni Czarina. Sa halip ay ipinasok nito ang kamay sa blouse na suot ni Czarina. Bumigat ang paghinga ng babae, kinakabahan sa posibleng mangyari. Muli nitong siniil ng mararahas na halik ang labi ni Czarina. Impit na napaungol ang babae habang umiiyak. Ni hindi niya naisip kahit saglit man lang na mauuwi sa ganito ang lahat. Naubusan na siya ng lakas sa pagpupumiglas. Hinaya
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Czarina nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang Tito Lucas. Kanina lang na iniisip niya iyon ay gulong-gulo na siya, paano pa ngayon na harap-harapan na siyang tinatanong? Sino nga ba kina Zayden at Adrian ang dapat mag-may-ari ng lupa na iyon? "Dad, ano ka ba naman? Ano ba'ng klaseng tanong iyan. Syempre gusto ni Czarina na sa asawa niya," sabi ni Charlie. Mas lalong nanigas sa kinauupuan si Czarina. Hindi niya alam ang gagawin. Pero ngayon ay nangingibabaw sa kanya na kay Adrian ibigay ang lupa. Pero nahihiya siyang sabihin iyon lalo na't alam nila na si Zayden ang asawa niya. Sino ba naman ang hindi magugulat kapag ang pinili niya ay ibang lalaki at hindi si Zayden? Nilingon niya si Zayden. "Kahit sino naman po. Depende nalang din sa mga offer at proyektong itatayo nila. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng proyekto ang inilulunsad ng mga Hart." Zayden frowned. Hindi niya nagustuhan ang sagot ni Czarina. Para bang sina
Gulat na napalingon si Czarina sa nagsalita sa kanyang likuran at mas lalo siyang nagulat nang makita kung sino iyon. Lumabas si Zayden ng CR, basa ang mukha at buhok na tila katatapos lang maghilamos. Basa ng kaunti ang t-shirt nito at medyo manipis lang iyon kaya kita at bakat ang abs nito. Nanuyo ang lalamunan ni Czarina at sinikap na ilayo ang paningin kay Zayden. "Y-you mean siya po? Siya po ba ang karibal ni Adrian sa lupa na iyan?" gulantang na saad ni Czarina. Bakit ba hindi niya man lang naisip iyon? Oo't posible nga pala iyon. Madilim at matalim ang tingin ni Zayden kay Czarina. Kita sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa mga narinig kanina. Naglakad palapit si Zayden kay Czarina at kaswal na umupo sa tabi nito. "What a coincidence we have here, Ma'am," sarkastikong sabi ni Zayden. Nataranta si Czarina at nataranta rin ang puso niya nang tawagin siya ng lalaki na 'Ma'am'. "Hmm, isang coincidence nga," sagot ni Czarina at nagpakawala ng pilit na ngiti. N
"Ate Cza?!" Nagulat si Czarina nang mamukhaan at makilala ang babaeng nakabungguan. Si Charlie iyon, isa sa mga maituturing niya ring kaibigan. Kaibigan ng kanyang pamilya ang mga magulang ng babae. "Uy, Charlie, kumusta?" masayang sabi ni Czarina. Hindi niya maitago ang saya sa mukha nang makitang muli si Charlie, taon na rin ang lumipas mula noong huli silang magkita. "Ayos lang naman, ate. Ikaw? Kumusta? Sino pala ang kasama mo rito?" "Si Klarisse pero umalis na, may biglaang trabaho. Ikaw? Paalis ka na?" "Hmm, oo, may lakad ka ba ngayon?" tanong ni Charlie. "Gusto sana kitang isama sa hospital." "Bakit?" nag-aalalang tanong ni Czarina. "Sino ang nandoon?" Isinama ni Charlie si Czarina sa hospital bagaman doon din naman ang tungo ni Czarina. Gusto niya ring banggitin kay Charlie na nasa hospital din ang lolo niya pero mamaya na lang. Nacu-curious siya kung sino ang gustong ipakita ni Charlie sa kanya. Sa third floor, pumasok sila sa isang pribadong kwarto. Pagbuka
Bago siya tuluyang makatalikod ay namataan niyang muli ang sasakyan ni Zayden na naroon pa rin sa pwesto nito kanina at hindi pa rin umaalis. Tinignang mabuti iyon ni Czarina at doon niya lang napansin na hindi tulad kanina ay may lalaki na roon ngayon na nakasandal.Malamig ang tingin ni Zayden sa kanya na para bang may ginawa siyang masama rito. Kumunot ang noo ni Czarina at tinagilid ang ulo na tila tinatanong si Zayden kung ano pa ang ginagawa nito roon. Pero sa halip na pansinin siya ay tumalikod ang lalaki at sumakay na sa sasakyan nito. Hindi pa lumalagpas ang isang minuto ay pinaharurot na nito palayo ang sasakyan.Sinigurado lamang ni Zayden na nakaalis na si Adrian bago siya umalis.Naguluhan si Czarina sa ginawa ni Zayden, hindi niya batid kung ano ba ang trip ng lalaki. Pero sa halip na isipin pa iyon ay bumalik na lamang siya sa kwarto ng kanyang lolo.Pagbalik niya ay agad siyang kinausap ng ama tungkol kay Zayden."Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin maalis sa isipan