"Kumusta naman kayo, mga apo?" Magkakasama na sila ngayon sa hapag-kainan. Nakangiti at halatang masaya ang matanda sa nabalitaan at dahil naroon silang dalawa ngayon upang saluhan ito sa pagkain. "We're fine," tipid na sagot ni Zayden. Dahan-dahan ang pagkain ni Czarina. Masaya siya na makasama muli ang matanda pero hindi siya natutuwa na naroon din si Zayden. "That's good. Nakita ko nga ang balita," sabi ng matanda at humagikhik pa na tila kinikilig at nang-aasar. "Young people nowadays..." Natigilan si Czarina. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung paano kikilos. Namula ang buong mukha niya sa kahihiyan lalo na't alam niyang medyo malaswa ang dating ng mga lumabas na litrato. As if they were making out inside the car. Gusto na lang niyang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon. Nilagyan ni grandma ng mga gulay ang pinggan ni Czarina. Kumikislap ang mga mata nito at hindi maitago ang kasiyahan. "Czarina, apo, mukhang nagkakaayos naman na kayo nitong si Zayden, kailan ba
Terakhir Diperbarui : 2025-08-03 Baca selengkapnya