Bago pa matapos ni Czarina ang sasabihin ay kinuha na ni Mr. Davidson ang wine glass at ininom ng dire-diretso ang laman no'n. Pagkatapos ay ibinaba niya iyon sa mesa, dinilaan ang mga labi, at ngumiti kay Czarina. "Is that already fine with you?" Tumango si Czarina at ngumiti sa lalaki. "Okay, I'll drink with you, Mr. Davidson." Kinuha ni Czarina ang wine glass at ininom ng dire-diretso pero dahan-dahan ang laman no'n. "Mr. Davidson, wala pa sa kalagitnaan ang event at may speech ka pa mamaya kaya 'wag ka munang uminom ng uminom," paalala ni Yvo Laude. "Kaya kong kontrolin ang sarili ko, Mr. Laude," sagot naman ng matanda. Tinignan ni Czarina ang kanyang tito. Alam niya na sa kanya nag-aalala ang lalaki kaya naman tinanguan niya ito bilang pagsisiguro sa lalaki na ayos lang siya. "So, gusto ko pong malaman, ano ang pinaka-role niyo rito? I'm sorry, I'm not quite familiar... but are you a producer po, director, a businessman, or..." Magalang at puno ng respeto na nagbu
Last Updated : 2025-09-14 Read more