"Are you fvcking threatening me right now?" Nanlilisik ang mga mata ni Zayden. Tumayo si Czarina at umiling-iling. Hindi niya sinasadya ang nasabi kanina. Bakit ba kasi inuubos ni Zayden ang pasensya niya, hindi niya tuloy mapigilan ang mga nasasabi. "No, hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean... I don't mean that," aniya na umiling-iling pa. Hindi niya rin naman aaminin iyon sa lalaki. Ano siya, baliw? Blanko ang ekspresyon sa mata ni Zayden at hindi ito natutuwa kahit kaunti sa mga nangyayari. Honestly, if you really know him, this is his expression when he's really really mad. At alam iyon ni Czarina. "Czarina, ito lahat ng naging lugi ng kumpanya ng kalahating araw." Tumayo si Zayden, kinuha ang halos kalahating rim ng bond paper sa kanyang bag at inilagay iyon sa mesa. "Kailangan mo itong mabayaran agad, or else..." Nagtaas ng isang kilay si Zayden. "We'll see each other in court." Nagsalubong ang kilay ni Czarina. Bumaba ang mga mata niya sa mga papel na nasa mes
Terakhir Diperbarui : 2025-08-30 Baca selengkapnya