"Maraming klase ng pasyente ang makikilala mo rito. At kailangan mong matutunan na lahat sila may malalang pinagdadaanan. Ang iba, kahit simple lang ang sakit ay medyo hindi gusto ang nangyayari kaya nakakapagsungit kapag minsan, posibleng dahil wala silang sapat na pera na panggamot. At kahit may pera ka pa, kung ang sakit mo naman ay hindi kayang gamutin ng pera, wala rin..." pahayag ni Dr. Garcia habang patungo sila ni Czarina sa magiging pwesto nila.Czarina sighed heavily. Naiintindihan niya iyon. Gayunpaman, may mga bagay pa na natitiyak niyang hindi niya pa alam."Ang sinasabi ko lang, Czarina, kung sakali man na may masabi sila na hindi maganda ay 'wag kang makipagtalo sa kanila. People here carries a lot more pain than you can imagine, so, at least, try to be understanding, alright?"Tumango si Czarina. "Yes, doc."Buong umaga ay nasa outpatient department silang dalawa at dumadalo sa mga naroong pasyente na nakapila.Tama nga si Dra. Garcia, talagang iba't ibang klase ng pas
Last Updated : 2025-10-04 Read more