("Hi, busy?") tanong ni Adrian mula sa kabilang linya matapos sagutin ni Czarina ang tawag.Lunch break na nila ngayon at katatapos lang din niya kumain, nagpapahinga lang siya bago magsimula ulit sa mga trabaho."Hindi naman pero magtatrabaho na rin maya-maya. Napatawag ka?"("Uhh... yayayain sana kita manood ng movie. May dalawa kasi akong ticket dito at...") halata ang kaba sa boses ni Adrian habang inaaya si Czarina na lumabas.Alam ng lalaki ang mga kasalukuyang pinagdadaanan ni Czarina at gusto niya sana na kahit papaano ay mapagaan niya ang damdamin nito."Sure, kailan ba?" agad na sagot ni Czarina.She needs something to get busy with. ("Mamayang hapon, wala ka naman ng lakad after work, 'di ba?")"Uhm wala naman na."("So...? Sunduin kita after work, ha. Wala ng bawian iyan.")Natawa si Czarina dahil sa parang batang si Adrian."Oo nga. Sige na, magtatrabaho na ako."("Thank you in advance, Cza! See you later!")Pagkababa ni Czarina ng tawag ay siya namang dating ng kasamaha
Read more