Madilim na nang makalabas si Czarina sa hospital. Ramdam niya na ang pagod sa dami ng nangyari. Kanina pa siya dapat nakauwi at nagpapahinga.Paglabas ay agad niyang namataan si Adrian, nakahinto ang sasakyan nito at nasa labas siya, nakasandal, na tila may hinihintay.Nagkatinginan sila at hinintay siya ni Adrian na makalapit."Kumusta?" mahinahong bati ni Czarina sa lalaki."Okay naman na. Naayos ko na mga kailangan ni dad kanina, at nakaidlip na rin kahit paano." Iminuwestra ni Adrian ang kanyang sasakyan. "Gabi na, ihahatid na kita. Huwag ka ng tumanggi, halatang-halata na pagod ka na. Pambawi ko na rin, hmm?"Wala ng nagawa si Czarina, hindi na rin naman ito makatanggi pa kaya sumakay ito sa sasakyan ni Adrian."Nakita ko si Zayden," sabi ni Adrian bago pinaandar ang sasakyan."Ah, may nagbalak kasing magpakamatay kanina na pasyente. Tinulungan niya," sabi ni Czarina. Bumaba ang mga mata nito sa kanyang kamay nang muli'y makaramdam ng kirot mula roon.Hindi niya maiwasang hindi i
Last Updated : 2025-11-10 Read more