Ang sabi ni Czarina noong nakaraan ay nakuha niya ang sugat na iyon nang tumama siya sa isang vase, nabasag iyon, at nasugat siya.Kilala ni Zayden si Czarina noon pa man, napakaimposible naman yatang hindi niya mapansin ang sugat na iyon dahil madalas nagsasalubong ang landas nila noon pa man. Isa pa, mahilig mag-bestida na may manipis lang na strap si Czarina noon.Alam ni Zayden na wala ito noon.At tiyak din na hindi ito ngayon-ngayon lang dahil magaling na ang sugat, peklat na lamang iyon ng nakaraan.Ang sabi ng kidnapper niya na nasa kulungan ay si Chloe ang nagligtas sa kanya, ang matapang na babaeng kayang ialay ang buhay niya mailigtas lang si Zayden.Pero bakit noong mga panahon na nasa hospital siya, ni minsan, ay hindi man lang dumalaw si Czarina? Patay na patay ito kay Zayden, kaya bakit hindi niya ito binisita man lang?Maingat si Czarina sa sarili, maliban sa sugat na iyon, ay wala ng ganoong klase ng sugat ang katawan nito. Kaya saan kaya nanggaling iyon? Kaya ba tala
Last Updated : 2025-11-16 Read more