"Czarina!"Isang pamilyar na boses ang narinig niya sa kanyang likuran. Nilingon iyon ni Czarina at nakita ang kaibigan ni Zayden na si Calix na naglalakad palapit sa kanya. Pasimpleng pinanliitan ni Czarina ng mata si Calix. Parang napapadalas na ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa, ah?"Calix, you're here," pagbati ni Czarina rito.Tumango si Calix sa kanya at tumingin sa kasama niyang lalaki, kay Alejandro.Hindi mapigilang mapaisip ni Calix kung sino ang lalaking ito na kasama ni Czarina, parang hindi niya pa ito nakita noon."Ah, Mr. Sandoval, kaibigan ko nga pala, Calix Javier, president of Javier Group," pagpapakilala ni Czarina bago pa maging akward ang sitwasyon."Oh! I know you," sabi ni Alejandro, tumayo ito at nakipagkamay kay Calix. "Marami akong naririnig na maganda tungkol sa'yo. A successful bachelor. Nagkita na tayo sa isang event pero hindi ko alam kung naaalala mo pa, I think it's your parent's anniversary that time.""W-woah!" Nanlaki ang mga mata ni Calix nang
Leer más