Tinignan lang ni Czarina si Zayden, walang lumabas na emosyon sa kanyang mukha. Kalmado lang iyon na tila wala lang ang nakikita niya sa kanyang harapan. He's panicking. At ngayon niya lang nakita na ganoon ang lalaki. Mainit ang mga palad nitong nakahawak sa kanya. He's sick. "Czarina..." ilang beses na pagtawag niya pero hanggang doon lang ito. Hindi alam ni Zayden kung paano sisimulan ang mga sasabihin, kung paano mag-uumpisang humingi ng tawad, kung saan magsisimulang magpaliwanag. Pinagsiklop ni Czarina ang mga labi at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ni Zayden sa kanya, pagkatapos ay kalmadong hinarap ang lalaki. "Wala kang kailangang sabihin o ipaliwanag sa akin. Bumalik ka nalang sa hospital at magpagaling." Noong mga naunang araw matapos niyang mapagpasyahang makipaghiwalay na nang tuluyan sa lalaki ay nagsisisi siya ng sobra at nagagalit dito. But now, she's more at peace. Nasaktan man siya, nahirapan, umiyak, nadapa, at naging tanga ng maraming beses, ngayon
Read more