Magaling na doctor si President Yu, hindi na siya naggagamot gaano pero iba ang kaso ngayon. The patient is very important to him. Isa ito sa mga tinitingala niyang doctor. Pero kahit gaano pa kagaling, kahit gaano pa kataas ang kumpyansa niya ay napanghihinaan din siya ng loob habang nakatayo ngayon sa operating room. Matanda na si Martina Laude, kahit walang sakit ay natural na medyo mahina na ang katawan nito. Yung mga fracture, mga broken gones, at mga ugat na nagkaroon ng problema dahil sa car accident ay hindi basta-basta, hindi na kaya na masagip pa ang kanang kamay niya. Bumukas ang pintuan at kahit naka-mask ay mabilis na nakilala ni President Yu ang pumasok. "Czarina!" Nakakahiya man pero lumiwanag ang mukha ng doctor at tila nabuhayan nang makita ang babae. "Pres," bati ni Czarina rito. "Nandito ako para tulungan ka." Napabuntong-hininga ang doctor. Hindi na rin naman niya gustong i-sugarcoat pa ang mga sasabihin, Czarina's a doctor, too, she knows the situation.
Leer más