"Daddy, Mommy Janina is not ok. Please help her po!" Mukhang paiyak na ani Trix sa ama nang makita din ang larawan."Trix, hindi mo siya mommy at hindi rin siya obligasyon ng daddy mo." Pagalit na sita ni Jona sa bata at kung wala lang ibang tao ay nabatukan na niya ito."Hindi mo kailangang sabihin sa bata iyan." Pagalit ding sita ni Timothy sa dalaga."Pero—" hindi natuloy ni Jona ang sasabihin at umintrada na naman ang kapatid ng binata "Timothy, ang mabuti pa ay puntahan mo na si Janina at bilhan na rin ng pagkain. Hindi na rin pala niya kasama ang anak niya at nagbakasyon kasama ang kaibigan niya." Utos ni Minche sa kapatid."Ate, kakain na rin po tayo kaya hindi puwedeng umalis si Timothy. Kung nag aalala talaga kayo sa kaniya, tatawagan ko ang kaibigan kong hurse upang—""No, ako na ang pupunta." Putol ni Timothy sa pagsasalita ni Jona at nag aalala na baka si Paul ang kontakin nito."Go, daddy, please take care of Mommy Janina!" Tuwang tuwa na sigaw ni Trix. Pero bigla ring n
Huling Na-update : 2025-03-24 Magbasa pa