Bumangon na si Timothy nang makitang mahimbing na ang tulog ng dalaga. Maingat niyang ipinalit ang malambot na unan sa braso niya kung saan nakaunan kanina si Janina. Napangiti siyang mapagmasdan ang maamo at magandang mukha ng dalaga. Masasabi niyang dito namana ni Trix ang labi kung walang binago ang dalaga sa sarili nito. Maingat niyang hinalikan ito sa noo bago bumaba sa kama. Kinuha niya ang laptop at binuksan iyon bago umupo sa isang upuan. Ilang sandali pa at tumunog ang cellphone niya, agad niyang sinagot nang makita ang name ng caller. "Sir, natagpuan ko na po ang taong pinahahanap ninyo at hawak ko na rin."Napatayo si Timothy at napangiti pero nakakuyom ang kaliwang kamay. "Good, huwag hayaang makawala.""Ok po, send ko sa inyo ang location."Tumamgo si Timothy kahit hindi nakikita ng kausap na nasa kabilang linya. Pagkababa sa tawag ay si Jesabell naman ang tinawagan niya."Ano ang kailangan mo sa asawa ko?" Aroganteng tanong ni Tyron mula sa kabilang linya.Inis na inaga
Last Updated : 2025-03-31 Read more