Napabuga ng hangin sa bibig si Paul at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi dapat silang dalawa ang nag aaway ngayon. "Huwag ka nang magwala diyan at may naisip na akong paraan upang mapasunod ang babaing iyon!"Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Jona at may tiwala siya kay Paul. Tanggap nitong si Timothy na ang mahal niya pero kailangan niyang bigyan ito sa kung ano ang natatamasa mula kay Timothy kaya todo suporta ito sa kaniya. Hindi rin siya nito maaring pabayaan sa ganitong sitwasyon at pareho silang makulong kapag umalingasaw ang baho na ginawa nila.Sa banyo, hinahapong niyakap ni Timothy ang dalaga bago pa ito bumagsak dahil nanghina ang mga tuhod. Napangiti siya at hinampas siya nito sa braso."Jerk, kasalanan mo kung bakit nanlambot ang mga tuhod ko." Paninisi niya sa binata."I know, babe, and I'm sorry!" Kinintalan niya ng halik ang dalaga sa noo saka binuhat ito upang ipasok sa bathtub. Hindi siya pumayag na siya lang ang paliguan ng binata. Sinabon niya rin ito sa
Mabilis na nagpakatumba si Janina nang makitang bumukas ang pinto. Ilang sandali pa ay iniluwa ng pinto si Timothy. "Honey—" gusto sanang magsumbong ni Jona ngunit mabilis siyang nilampasan ng binata. Pagtingin niya sa likuran ay nagulat siya nang makita naka upo na sa sahig si Janina."Ano ang ginawa mo?" galing na angil ni Timothy kay Jona sa mahinang tinig lamang habang binuhuhat si Janina."Wala akong ginawa sa kaniya. Siya itong nanakit sa akin na walang dahilan." Pinakita ni Jonq ang kamay na namumula.Natimpi si Timothy ng galit at baka nagising ang anak nila. Sinamaan niya ng tingin si Jona bago ito nilampasan. Nang aasar ang ngiti ni Janina kay Jona habang ang tingin ng huli sa kaniya ay para siyang bubugahan ng apoy. Ang sarap sa pakiramdam na makita itong nagagalit dahil wala namang ginawang masama.Lalo lang nasira ang gabi ni Jona at kaunti na lang talaga ay sasabog na siya dahil sa galit. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid at dumiritso sa sariling room. Tiyak na h
"Bitch, kasalanan mo ang lahat ng ito!" Sinugod ni Josie ang dalaga upang sampalin sana ngunit nakailang ito na kamuntik na niya ikadapa."Hey, wala akong ginagawa sa iyo, manang. Kasalanan ko ba kung bakit nanunugod ka sa akin na hindi ko alam amg dahilan?" Natatawa pa rin niyang pangatwiran sa ginang."Huwag ka nang magpanggap dahil kahit magsuot ka pa ng mascara ay makilala pa rin kita!" Bulyaw ni Josie sa babae."Oww, mukhang malaki talaga ang galit at inggit ninyong mag ina sa babaing kamukha ko." Amused na pinakatitigan ni Janina ang ginang. Natutuwa siyang paglaruan ang isipan ng mga ito ngayon.Natigilan Josie at biglang nagdalawang isip na kung tama ba talaga ang pagkakilala nila sa babae."Ang mabuti pa ay umuwi ka na po at mukhang pagod na kayo kakaisip. Huwag ninyong pabayaan ang sarili ninyo at baka matulad kayo sa anak ninyo na nababaliw na kakaisip upang maagaw sa akin si Timothy." Pang aasar pa niya sa ginang."Hayop ka, ikaw ang mang aagaw at hindi ang anak ko!" Hal
Pabalya niyang isinakay ang ginang sa kaniyang sasakyan. Bago tinawagan ang secretary para sabihin ma late siya ng pasok."Ano ang gagawin mo sa akin at saan mo ako dadalhin?" tanong ni Josie habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka lock iyon."Nanay kita di ba? Nakakahiya naman kung iwan kita sa labas ng kompanya at baka patuloy kang magkalat doon. Ihahatid nita sa impyernong niyong bahay!"Nanlaki ang mga mata ni Josie at saka matigas na umiling. "No, ibaba mo ako ngayon din!""Tsk, kapag hindi ka pa tumigil ay itapon kita sa ilog!" Panakot niya sa ginang. Naisip niyang oras na rin upang harapin ang walang kuwentang ama.Biglang napatuwid ng upo si Josie at natakot sa banta ng babae. "Sinasabi na nga ba at ikaw si Janine."Inirapan Janina ang ginang mula sa front mirror. "Saan pala ang daan pauwi sa inyo?""Nagdududa ang tingin ni Josie sa babae at hindi ito sinagot. "Kapag hindi mo sinagot ay ibaba na kita dito." Itinigil ni Janina ang sasakyan sa alaganganing lugar at
"U-umalis ka na."Pabulong lamang iyon ngunit malinaw na naririnig ni Janina na sinabi ng ama. Mabilis pa itong pumikit at ayaw siyang tingnan. "Ito na ang inumin mo." Nakangiting ipinatong ni Josie ang dalang maliit na tray sa center table."Manang, asawa mo ba iyong nakaupo sa wheelchair?"Nainsulto na naman si Josie sa tawag sa kaniya ng babae. Para bang sobrang tanda na niya at amoy lupa kung tawagin nang ganoon."Mukhang sa sarili lang kayo maalaga ng iyong anak at ang asawa ninyo ay napapabayaan." Dugtong pa ni Janina at pumalatak."Tama na! Wala kang alam at hindi mo kami kilala para pagsalitaan ng ganiyan!" Galit na niyang angil sa dalaga."Sorry kung na offend kayo pero totoo ang mga sinabi ko. Look at your husband naman oh, mukhang hindi bapapaliguan. "Tinakpan pa ni Janina ang ilong at mukhang nandidiring lumayo sa wheelchair na kinaupuan ng ama.Namula ang pisngi ni Josie dahil sa galit at pagkapahiya. Galit na tinawag niya ang katulong at pinabalik sa silid ang asawa. T
Sa halip na magalit dahil sa suntok ni Janina ay napangisi si Paul habang sinasalta ang pisngi kung saan tumama ang kamao ng dalaga. "Hayop ka, ano ang ginagawa mo sa bata?" Bulyaw ni Janina sa lalaki at kita niya ang pasa sa braso ng bata. "Kung gusto mong hindi na siya masaktan pa at makuha sa akin ay sundin mo ang iuutos ko sa iyo." Nakangisi pa ring ani Paul. "Damn you, walang kasalanan ang batang iyan para gamitin laban sa akin!" Naikuyom ni Janina ang mga kamay. Kahit hindi niya tunay na anak ang bata ay hindi niya maatim na panayaan ito sa mga kamay ni Paul. Kriminal ang utak ng lalaki at kunsensya niya kapag napahamak sa kamay nito ang batang ipinipilit na anak niya. "Exactly, kaya hindi mo dapat ako kinakalaban upang walang inosinteng bata ang nadadamay." Makahulugang tugon ni Paul sa dalaga. "Hindi mo ako maluko gamit ang batang iyan pero asahan mong makukulong ka sa ginagawa mo sa bata!" Panakot ni Janina sa binata Muling tumawa si Paul sa halip na matakot. "Ba
"Where are you?" tanong ni Timothy sa dalaga at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag dahil sumagot ang dalaga sa tawag niya."Papunta ako ngayon sa hospital!" Garalgal ang tinig na ani Janina at nakilala agad si Timothy na nasa kabilang linya."What? Are you hurt? Saang hospital at puntahan kita ngayon din!" Sobrang nag aalala na ani Timothy. Ibinigay ni Janina ang pangalan ng hospital sa binata. Alam niyang malapit sa kompanya ng binata ang naturang hospital. Hindi na siya nagpaliwanag dito at nasa on call si Danny.Napamura si Timothy nang biglang naputol ang tawag sa dalaga. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kinaparkingan ng kotse niya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital. Wala pang twenty minutes ay narating niya iyon.Hilam ng luha ang mga mata ni Janina habang papalapit sa kaibigang bakla. Tulad niya ay namumula din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Danny, ano ang nangyari? Kumusta na ang anak ko?" Niyakap ni Danny ang dalaga at pinigilan ang mapaiyak dah
"Sino po ang parents ng pasyente?" tanong agad ng nurse sa mga naroon."Ako ang ina ng bata. Kumusta na po ang anak ko?" tarantang tanong ni Janina sa huli."Narami po ang dugong nawala sa bata at still in critical condition. Kailangan din siyang salinan ng dugo ngayon din."Muling nanlambot ang mga paa ni Janina dahil sa narinig. May pinapipirmahan sa kaniya ang nurse at wala sa sarili kinuha ang pen.Naging abala si Danny sa pagtawag sa mga kakilala at sa inutusang tao na maghanap ng donor sa dugo ni Marian."Ano po ang blood type ng bata?" tanong ni Timothy sa nurse at hindi na niya makausap ang dalawa dahil abala na sa pagtawag ng kung kanino para sa dugo."RhD negative, po."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Timothy nang marinig ang sinabi ng nurse. "I'm willing to donate!"Sabay na napatigil sina Janina at Danny sa pakipag usap sa katawagan nang marinig ang sinabi ni Timothy. "Wala nang oras pa, kahit ano ang mangyari ay iligtas ninyo ang buhay ng anak ko!" Matigas na utos ni T
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang