Zain POVSa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Pagod ang katawan ko matapos ang buong araw na lakad, kaya't agad akong humiga sa malambot na kama ng solo kong kuwarto dito sa resort nila Axton sa Tagaytay.Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may mga mensahe, pero wala namang importante. Pumikit na ako at handa nang matulog nang biglang nag-ring ang phone ko. Napaigtad ako at napakunot-noo bago tiningnan ang screen. Si Boyong ang tumatawag.Napabangon tuloy ako bigla. Putcha, hindi ko pala siya nasabihan tungkol kay Mama. Agad kong sinagot ang tawag."Boyong, anong balita? Bakit, napatawag ka?""Zain, pare, buti na lang dumaan ako sa inyo kanina. Alam mo bang nagluto mag-isa si Tita? E hindi pa siya puwedeng magkikilos nang mabigat, ‘di ba?"Nanlamig ang katawan ko. "Ano? Anong nangyari?""Wala namang malala, buti na lang nadaan ako at natulungan ko siya. Pero next time, magsabi ka agad sa akin para mabantayan ko siya. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya sa susunod."Huminga ako
Last Updated : 2025-02-15 Read more