Zain POVHabang kumakain kami ng tanghalian sa mansiyon ni Lola Flordelisa, hindi ko maiwasang mapansin ang lalaki sa kabilang dulo ng hapagkainan, si Giyo, ang ipinagmamalaking boyfriend ni Xamara.Panay ang papansin niya kay Lola Flordelisa, panay ang pagpapakilala, siya raw ang may-ari ng isang motor shop, tatlong gasoline station at isang beach resort. Puro pasikat. Parang gaya ko, alam na alam na rin nito ang sasabihin niya, parang inutusan o tinuruan din ni Xamara.Pero si Lola Flordelisa? Wala man lang interes sa kanya. Tatango lang ito ng marahan, walang gaanong emosyon sa mukha. Ang sagot lang niya sa bawat kayabangan ni Giyo ay isang simpleng, "Mainam," o kaya, "Good job."Para bang wala lang sa kanya kung mayaman ito o hindi. Kanina ko pa ramdam na parang nawala na rin sa mood si Xamara kasi nakikita nito na walang hindi gusto ni Lola Flordelisa si Giyo. Mukha kasing adik, mayaman nga, oo, pero istura at pagsasalita ay halatang mayabang at mukhang bad boy.Sa akin naman, ib
Terakhir Diperbarui : 2025-02-19 Baca selengkapnya