"Mikel, alam ko naman na may kapalit. Sabihin mo sa akin, ano ang gusto mo?" walang alinlangan na tanong ko."Hahha, kilala talaga ako ng kuya ko. Nice one po kuya," natatawang wika ng kapatid ko."Simple lang naman kuya. Hmm, gusto ko 'yong guitara mo sa condo mo. Pwede ba?" Nanlaki na lamang ang mga mata ko. Napag-interesan pa niya ang guitara ko."Come on Mikel, iniingatan ko ang mga guitara ko.""Iingatan ko rin naman kuya. Isa pa, nakita ko kasi na perfect 'yon, para sa darating na contest namin sa ibang bansa. Kaya, pagbigyan mo na ako. Parang guitara lang naman po ehh. Kaya naman, sige na, bigay mo na sa akin..." pamimilit pa nito. Napapikit mata na lamang ako sabay buntong hininga."I'll promise, iingatan ko po talaga kuya. Kaya, huwag kang mag-alala, okay?" Dagdag pa niya."Fine.""Really? So you mean, akin na 'yon? Sure ahh, kuya? Akin na ahh, kukunin ko mamaya ahhh..." Hindi makapaniwalang tinig niya. Tanging pagtango naman ang naisagot ko."Yes! Yahoooooo!" sigaw pa nito.
Terakhir Diperbarui : 2025-07-03 Baca selengkapnya