Nakita ni Graciella ang lungkot sa mga mata ng ginang kaya naman agad niyang hinagod ang likuran nito para aluin. "Huwag po kayong mag-alala, Grandma Celestina. Gaya ng sabi ninyo, mabait ang inyong apo. Makakahanap din siya ng tamang babae na para sa kanya."Malumanay ang tinig ni Graciella at magaan sa pakiramdam na kaya nitong aluin ang sinuman.Tanggap man ni Celestina na hindi na pwede si Graciella at Levine, pero naiinis parin siya. Subalit sa kabilang banda, kahit na hindi ito magkatuluyan at ang apo niya, hindi parin naman nagbabago ang pagtingin niya sa babae.Ito ang kanyang tagapagligtas. At dahil hindi niya ito pwedeng gawing granddaughter in-law, gagawin nalang niya itong tunay na apo!Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at marahang pinisil. "Tanggap ko na hindi na kayo pwede ng apo ko pero hija, sana pumayag ka na parang maging apo narin kita. Gustong-gusto talaga kitang maging parte ng pamilya ko."Alanganin namang ngumiti si Graciella. "Pero Grandma...""Sige na. Kah
Terakhir Diperbarui : 2025-04-14 Baca selengkapnya