"Panahon lang ang makakapagsabi kung karapat-dapat ba talaga siya sa pamilya natin Grandma and for now, it's too early for us to say that," ani Drake sa malalim na boses.Nagkibit balikat naman si Celestina. "Nagmatigas kalang ngayon pero kapag nahuli ka ni Graciella, ewan ko nalang sayo. Sigurado akong lalambot ka rin."Kahit na matanda na siya, malakas parin ang pakiramdam niya. Nang hawakan ni Levine si Graciella kanina at binawi sa lalaking bigla nalang dumating, nakita niya ang isang ekspresyon na kahit kailanman hindi pa niya nakikita sa apo niya magmula ng alagaan niya ito. Marahil hindi pa napapansin ni Levine mismo ang bagay na iyon but who knows sooner or later, aamin din ito.Kumunot ang noo ni Drake. Pakiramdam niya may malalim na ibig sabihin ang sinabi ng kanyang lola. Hindi palang niya lubos na mawari kung ano. Bagama't mabuting tao si Graciella, hindi maganda ang pamilyang pinanggalingan ng babae. At ayaw niyang madamay ang lola niya sa gulo na maaring hatid ng ina ng
Terakhir Diperbarui : 2025-04-19 Baca selengkapnya