Pumasok si Drake sa malaking villa ng mga Nagamori. Agad naman siyang sinalubong ng ikalawang anak ng Grandma Hermania na si Wilbert.Madalas na bumisita si Drake sa mga ito noong maliit pa siya at magkaibigan ang pamilya nila kaya kilang-kilala din niya si Uncle Wilbert."Mabuti at nandito ka na, Levine. Medyo matagal-tagal na din ng huli tayong magkita. Kanina nang masulyapan kita, akala ko ang Daddy mo ang naglalakad," natatawa nitong bigkas kasabay ng marahang pag-iling."Long time no see Uncle Wilbert. You still look good," tugon niya.Marahan nitong iwinasiwas ang kamay sa ere at ngumiti. " Naku, ang sabihin mo, tumatanda na ako. Marami ng bagong henerasyon ang nagiging kilala dito sa siyudad natin at isa ka na doon. Kung nabubuhay lang ang Daddy mo, sigurado akong proud na proud siya sayo."Iginiya siya ni Wilbert sa loob ng bulwagan kung saan doon sila naupo. Ayaw ni Drake ng paligoy-ligoy kaya naman nang umalis na ang mga kasambahay sa gawi nila, agad niyang tinanong si Wilbe
Terakhir Diperbarui : 2025-05-06 Baca selengkapnya