Hindi pa nakikita ni Daichi sa personal si Graciella at ang mga bagay na tungkol sa babae ay naririnig niya lang base sa ikinuwento ng asawa niya. Tapos ngayon makikita nalang niya na ang target ng mga taong nasa harapan ng apartment complex ay walang iba kundi ang granddaughter in-law niya! Hindi niya maiwasang mag-alala sa kasalukuyang sitwasyon."Ano bang nangyayari, Levine? Sigurado ka bang pamilya yan ng asawa mo?""Yeah, pero..."Nais na magpaliwanag ni Drake na kakaiba ang lahat ng kamag-anak ni Graciella pwera nalang sa kapatid nitong si Garett at hindi ito gaya ng sinasabi ng mag-asawa sa video pero nag-aalangan siya na baka magbago ang pagtingin ng lolo at lola niya sa asawa niya.Mabuti nalang at hindi ganun kakitid ang utak ng Grandma Celestina niya. Napaingos ito bago nagsalita. "Niligtas ni Graciella ang buhay ko ng walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit kaya hindi ako naniniwala sa mga taong yan."Hindi na nakipag-argumento pa si Daichi nang marinig ang op
"Tangína! Narinig niyo yun? Kahit nasa bingit na ng kamatayan ang kamag-anak niya wala parin siyang pakialam?!""Ang daming dugo! Dapat dalhin nayan sa ospital at baka bawian payan ng buhay dito!"Mas lalo lang na nagkagulo ang paligid. Hindi lang mura at pangit na salita ang lumalabas mula sa bibig ng mga manonood, ang iba pa sa kanila ay naglilive na sa sitwasyon sa harap ng apartment complex.Duguan na bumagsak sa lupa si Celia. Agad naman itong sinalo ni Ramon kahit na hirap na hirap siyang maglakad."Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" Palahaw niyang sigaw. Mabuti nalang at malapit lang ang ospital sa apartment complex kaya agad na nakarating ang ambulansya para kunin si Celia. Lumingon si Ramon sa pinakamalapit na camera bago nagsalita. "Ito ba ang gusto mo, Graciella? Talaga bang binago ka na ng salapi? Napakalupit mo naman sa amin! Siguro... Siguro matutuwa ka kapag nawala na kami ng tuluyan sa mundo!"Nagmukhang miserable si Ramon kung titingnan. Duguan ang damit ng lalaki
"You're pregnant…"Gulat na napatingin si Graciella Santiago sa maliit na larawan na nasa monitor. Tama ba ang narinig niya? Buntis siya?Kalmado lang na nakatingin ang doktor sa kanya. Marami na siyang nakitang babae na kagaya ni Graciella ang reaksyon sa tuwing sinasabi niyang positibo ang resulta."Is this your first pregnancy? Kung hindi ay kailan ang huli?" Tanong ng doktor.Hindi agad nakasagot si Graciella, masyado siyang nagulat sa nalaman niya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya."Abortion can lead to a lifelong infertility Miss Santiago," biglang sabi ng doktor nang hindi siya magsalita.Namilog ang kanyang mata sa narinig. "Wala po akong balak magpa-abort Doc!" Agad na umamo ang mukha ng doktor sa sinabi niya. "You're three and a half weeks pregnant. Your baby is in good position pero kailangan mo parin ng regular check-up para mamonitor natin ang kalagayan niya at masigurado ang kalusugan niya."Halos wala sa sarili si Graciella nang lumabas siya ng ospital. Hi
Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay sumakay na siya sa kanyang electric scooter at nagtungo sa Civil Affairs Bureau para doon hintayin ang lalaki. Tulala siya habang nakaabang sa harapan ng building. Ni hindi na nga niya namalayan na may sasakyan na palang huminto sa harapan niya. Napapitlag nalang siya nang may anino na halos tumabon sa kanya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang isang pares ng itim na mga mata na para bang hihigupin ang sinumang tumitig doon.Sinipat niya ng tingin ang lalaki. Matangkad ito at matikas, nakasuot ng isang salamin, may matapang na awra na parang hindi marunong magbiro. Siguro nasa lampas six feet ang tangkad nito. Kahit sa height niyang five four inches, kailangan pa niyang tumingla kung kakausapin niya ito."You're the one who called me?" Tanong nito sa baritonong boses.Ito ba ang lalaking naka-one night stand niya? Dahil masyadong magulo ang utak niya ng gabing may nangyari sa kanila, halos hindi na niya ma
Naging mabilis lang ang pangyayari. Sa halos sampung minutong lumipas ay narehistro na agad ang kasal nilang dalawa. Ang problema niya nga lang ay ang nakasimangot na mukha ng lalaki. Nagduda tuloy ang mga staff sa loob ng ahensyang iyon na napilitan lang ito na pakasalan siya. O hindi nga ba? Ilang beses pa itong tinanong ng mga staffs kung sigurado ba talaga ang lalaki sa desisyon nito.Habang lihim niyang pinagmamasdan ang mukha nito ay hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya.Hindi ba talaga ito marunong ngumiti?Pero lumipas ang ilang sandali ay nawala ang atensyon niya dito lalo pa ng makita niya ang makulimlim na kalangitan sa itaas. Naalala niyang may paparating palang bagyo sa lugar nila. Kailangan na niyang umuwi para iligpit ang mga sinampay niya."Sir may importante pa pala akong pupuntahan. Mag-usap nalang po tayo through chat kung may tanong kayo. Add friend nalang po kita."Hindi naman ito nag-atubili at nakipagpalitan ng account name sa kanya. Ngayon niya lang nap
Mas lalo lang na nandagdagan ang kuryosidad ni Garett tungol sa kasal ng kanyang kapatid nang hindi makasagot si Graciella sa mga katanungan niya."Hayaan mo na ang kapatid mo, Garett. Malaki na yan at alam na niya ang ginagawa niya sa buhay," singit ni Cherry, ang asawa ng kanyang Kuya Garett."Tama si Ate Cherry, Kuya, kaya huwag ka ng masyadong mag-alala sakin," sang-ayon niya sa kanyang hipag."Pero sa kabilang banda, dapat parin na nagpaalam ka kay Mama Thelma tungkol sa biglaan mong pagpapakasal para mapag-usapan ninyong mabuti kung tama ba ang desisyon mo o hindi," bigla nitong kambyo sa nauna nitong pahayag.Lihim siyang napaingos. Ano bang dapat nilang pag-usapan? Para hindi siya nito payagan at tuluyan siyang ipakasal sa matandang lalaki na gusto nito para sa kanya kapalit ng pera?"Alam mo kasi tayong mga babae, ilang taon lang tayong bata at kapag nagkaedad tayo, wala na… Hindi katulad ng mga lalaki, habang pataas ng pataas ang edad, pataas din ng pataas ang value nila. Is
Itinago ni Graciella ang ATM card na binigay ng Kuya niya, hindi para gamitin iyon kundi para itabi kung sakaling mangangailangan ng tulong ang kapatid niya sa hinaharap.Nang tuluyan ng tinanggap ni Graciella ang ibinigay ni Garett ay hindi nito mapigilan ang sarili na mapangiti dahil sa tuwa. "Kapag may oras ka, huwag mong kalimutang ipakilala sakin ang lalaking pinakasalan mo."Pilit na ngumiti si Graciella. "Hayaan mo, Kuya. Sasabihan ko siya na bibisita kami dito sa susunod."Sumapit ang alas singko ng hapon. Nagpaalam na si Graciella sa kanyang kapatid lalo na at susunduin pa nito ang kanyang pamangkin sa eskwelahan. Hindi narin siya nagtagal, lalo pa't mukhang hindi parin maganda ang loob ni Cherry sa kanya.Pero kahit hindi sila magkasundo ni Cherry, hiling pa rin niya ang maayos na pagsasama nito kasama ang kapatid niya. Wala ng mas sasaya pa sa magkakasundong pamilya.Nang makaalis siya sa bahay ng Kuya ay dumiretso na siya sa pharmacy. Unang pagbubuntis niya ngayon at halos
"Tumahimik ka!" Pinanlisikan ni Brittany ng mga mata si Kimmy pero hindi naman nagpaawat ang huli."At bakit ako tatahimik? Nagsasabi lang ako ng totoo!"Nakakuha na ng atensyon sa mga naroon ang sagutan nina Kimmy at Brittany. Agad namang lumabas mula sa opisina nito ang manager nilang si Sir Marlou."Anong nangyayari dito?" Masungit nitong tanong. Bakas sa mukha ng lalaki ang disgusto sa mga nangyari.Mabilis siyang humakbang sa unahan at itinago sa likuran niya si Kimmy para protektahan ito. Problema niya ang bagay na ito kaya dapat lang na siya ang humarap sa dalawa."Sir Marlou, ako po ang nakabenta ng sasakyan kani-kanina lang. Bakit bigla niyo pong ibibigay kay Brittany ang credit ng mga pinagpaguran ko?"Nakapamewang na humarap sa kanya si Sir Marlou. "Graciella, si Brittany ang unang nilapitan ng mag-asawa kanina. Kumain lang sandali si Miss Lorenzo sinulot mo na agad ang kliyente niya. Kung may nandaraya man dito, ikaw yun at hindi si Brittany."Puno ng kumpyansang humarap s
"Tangína! Narinig niyo yun? Kahit nasa bingit na ng kamatayan ang kamag-anak niya wala parin siyang pakialam?!""Ang daming dugo! Dapat dalhin nayan sa ospital at baka bawian payan ng buhay dito!"Mas lalo lang na nagkagulo ang paligid. Hindi lang mura at pangit na salita ang lumalabas mula sa bibig ng mga manonood, ang iba pa sa kanila ay naglilive na sa sitwasyon sa harap ng apartment complex.Duguan na bumagsak sa lupa si Celia. Agad naman itong sinalo ni Ramon kahit na hirap na hirap siyang maglakad."Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" Palahaw niyang sigaw. Mabuti nalang at malapit lang ang ospital sa apartment complex kaya agad na nakarating ang ambulansya para kunin si Celia. Lumingon si Ramon sa pinakamalapit na camera bago nagsalita. "Ito ba ang gusto mo, Graciella? Talaga bang binago ka na ng salapi? Napakalupit mo naman sa amin! Siguro... Siguro matutuwa ka kapag nawala na kami ng tuluyan sa mundo!"Nagmukhang miserable si Ramon kung titingnan. Duguan ang damit ng lalaki
Hindi pa nakikita ni Daichi sa personal si Graciella at ang mga bagay na tungkol sa babae ay naririnig niya lang base sa ikinuwento ng asawa niya. Tapos ngayon makikita nalang niya na ang target ng mga taong nasa harapan ng apartment complex ay walang iba kundi ang granddaughter in-law niya! Hindi niya maiwasang mag-alala sa kasalukuyang sitwasyon."Ano bang nangyayari, Levine? Sigurado ka bang pamilya yan ng asawa mo?""Yeah, pero..."Nais na magpaliwanag ni Drake na kakaiba ang lahat ng kamag-anak ni Graciella pwera nalang sa kapatid nitong si Garett at hindi ito gaya ng sinasabi ng mag-asawa sa video pero nag-aalangan siya na baka magbago ang pagtingin ng lolo at lola niya sa asawa niya.Mabuti nalang at hindi ganun kakitid ang utak ng Grandma Celestina niya. Napaingos ito bago nagsalita. "Niligtas ni Graciella ang buhay ko ng walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit kaya hindi ako naniniwala sa mga taong yan."Hindi na nakipag-argumento pa si Daichi nang marinig ang op
Nang marinig ang sinabi ni Arata, agad na nagdilim ang kanyang mukha sa pag-aakalang may naglakas-loob na sumugod sa kanilang mansion."Ang daming tao sa labas, insan. Wag ka munang lalabas hangga't hindi pa ako nakakarating okay? Ipapakita ko sayo ang video," pukaw ni Arata sa atensyon niya.Bumalik sila sa bulwagan kasama na ang kanyang lolo at lola. Lahat ng electronic equipment ay nakahigh-level confidentiality program at tanging ang mga Yoshida Masters lang ay may kontrol. Agad na binuhay ni Drake ang equipment at direktang bumukas ang malaking display screen kasabay ng pag-uutos niya sa mga guards na magbantay sa harap ng mansion at ipinatapon ang sinumang nanggugulo.Nang magsimula ng magplay ang video sa screen, nakita ni Drake na puno ng tao ang buong lugar. May bitbit ang mga ito na iba't-ibang klase ng camera at nakafocus lang sa iisang direksyon. Maraming tao sa paligid na nanonood at siyang naging dahilan kung bakit sobrang gulo ng buong vicinity.Nakaramdam din ng kaba a
Natigilan si Kevin sa reaksyon ng kanyang lola. Hindi niya mahagilap kung bakit bigla nalang itong nagalit sa kanya. Masaya at nakangiti pa ito kani-kanina lang pero ang bilis lang na nagbago ang ekspresyon ng ginang.Kahit na hindi pa nakikita ni Daichi si Graciella, madalas itong ikwento sa kanya ng asawa kaya naman may maganda siyang impresyon sa babae. Araw-araw nga niyang inaabangan kung kailan dadalhin ni Levine ang babae sa pamamahay nila at pormal na ipakilala sa kanya.Nang marinig niya ang hindi magandang komento ni Kevin sa asawa ni Levine, hindi niya maiwasang mapasimangot. How can he call Graciella cheap gayong hindi pa nga niya ito nakikita sa personal?"Mabait ang babaeng yan, Kevin at siya ang nagligtas sa buhay ng Grandma Celestina mo mula sa aksidente. Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ang asawa ko ngayon," hindi na nakatiis na singit ni Daichi. Sa tuwing naiisip niya ang bagay na ito, labis-labis ang pasasalamat niya kay Graciella."Pero kahit na siya ang nagl
Pinanood nilang lahat na maglakad si Levine papalapit sa kinaroroonan nila. At habang unti-unti na itong lumalapit kasabay namang bumibigat ang tensyon sa paligid.Hindi inaasahan ni Riku ang biglaang paglitaw ni Levine sa mansion. Mababakas ang kaba sa mukha ng lalaki pero pinanatili parin nito ang kumpyansa sa sarili."Bata pa si Kevin ng mga panahong iyon, Levine, kaya normal lang sa kanya ang mabigo lalo pa't pinag-aaralan palang niya kung paano magpatakbo ng negosyo.""Oh, normal?"Walang ekspresyon ang mukha ni Drake pero sa tuwing ganito ang lalaki, mas lalong mahahalata ang sarkasmo sa anyo nito."Three years ago, nag-invest ang Dynamic Films sa mahigit dalawampung movies, sampu sa mga ito ang nagbox-office at ang iba ay nasa average lang habang ang lima ay hindi bumenta. Sino nga ulit ang humawak sa film department? Hindi ba't si Kevin parin?"Hindi na napigilan pa ni Kevin ang sarili niya. "It's because I'm not yet familiar with film investment! Matututo din naman ako sa sus
Humugot ng hangin si Drake bago umiling at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Hindi na. Sa mansion ako uuwi ngayon. Gusto kong makita sina Grandma," malamig niyang tugon.Ayaw niyang mahulaan ng iba kung ano ang iniisip niya at lalo ng ayaw niyang mahalata ng kung sinuman na may pakialam siya sa asawa niya lalong-lalo na si Owen na mukhang lumakas na ang loob at lagi na siyang inaasar. Mukhang kailangan niya talagang bawasan ang bonus ng lalaki para magtanda ito.Sa ilalim ng malamig na gabi, marahang umibis ang isang Black Cayenne sa underground garage ng Yoshida mansion. Mabilis na binuksan ng isa sa mga guards ang pintuan ng kotse. Kaswal namang lumabas ng sasakyan si Drake at inayos ang suot niyang suit."Welcome home, Master Levine," magkasabay na bati ng mga nakalinyang kasambahay at sunod-sunod na nagsiyukuan.Hinubad ni Drake ang makapal niyang coat at dumiretso na sa private elevator ng mansion na magdadala sa kanya sa itaas. Nakasunod naman sa kanya ang ilan sa mga ta
"Wag niyo naman po akong takutin Master Levine," reklamo mi Owen at pinagmasdan pa ang pagtaasan ng balahibo niya sa braso.Kahit na nanginginig sa takot si Owen sa sinabi ng boss niya, napagtanto niyang may punto din naman ang amo niya. Kanina noong sinabi ni Master Levine na baka buhay pa si Miss Hannah Nagamori, nagalit si Sir Wilbert at talagang ipinagpipilitan nito na wala na talaga ang pamangkin nito. Parang iba ang tono nito. Hindi iyon ang dapat na reaksyon ng isang concern na kamag-anak."Paanong... Posible ba na may masamang balak si Sir Wilbert—""Ganyan naman talaga ang mayayaman Owen. Walang bago. Lahat ay posible," malamig na tugon ng kanyang boss.Sa mata ng marami, tinulungan ni Wilbert si Grandma Hermania na pamunuan ang pamilyang Nagamori nang mamatay si William Nagamori. Kung tutuusin, wala namang kakayahan ang ikalawang anak ni Mrs.Nagamori na pamunuan ang buong yaman nila. Sa loob ng ilang taon, si Grandma Hermania ang dahilan kaya hanggang ngayon, nakatayo parin
Ilang beses na kumurap si Drake bago siya sumagot. "But why Uncle Wilbert?"Pinagsalikop ni Wilbert ang dalawa nitong palad. "Ayokong malaman ni Mommy ang hirap na pinagdaanan ni Hannah. Hindi maganda ang kondisyon niya ngayon. Malulungkot lang siya kapag nalaman niya ang totoo at baka makasama sa kanya. Tama ng ang alam niyang dahilan kaya wala na ang pinakamamahal niyang apo ay dahil may karamdaman ito. Gusto kong isipin niya na minahal at inalagaan si Hannah ng mga umampon sa kanya. Pwede ba yun, Levine?"Sandaling nag-isip si Drake bago buntong hiningang tumango. "Okay. I understand Uncle. Wala kang dapat na ipag-aalala."Matapos nilang makapag-usap, iginiya si Drake ng kasambahay papunta sa silid ni Grandma Hermania. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya dahan-dahan niya iyong itinulak pabukas.Agad na sumalubong sa kanya ang matapang na amoy ng gamot. Sigurado siyang mas tinaasan pa ang dosage ng mga medisina nito kaysa sa dati base na sa amoy.Nakahiga si Grandma Hermania sa malak
Ipinilig ni Drake ang sarili niyang ulo para iwaksi ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya si Wilbert na nagpupunas ng luha."Sobra akong nahihiya sa sarili ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanya," dagdag pa nito.Ibinalik ni Drake sa loob ng folder ang mga larawan ng sinasabi nitong si Hannah bago marahang itinulak ang tissue palapit kay Wilbert.Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. He was once on that shoes too. Nang medyo kumalma na si Wilbert, saka lang muling nagtanong si Drake."By the way, Uncle Wilbert... Paano nga pala namatay si Hannah?" Curious niyang tanong.Tumigil sa pagpupunas ng luha si Wilbert bago naglabas ng mga medical records mula sa isa pang folder at ibinigay sa kanya."Pneumonia?" Mahina niyang bigkas."Yeah," tumatangong sambit ni Wilbert. "May minahan malapit sa bahay na tinitirhan ng mag-asawa. Pati sila ay nagmimina rin sa loob ng mahabang panahon. Marami sa mga kapitbahay nila ang nagkaroon ng sa