"Alam ko naman na magiging hindi kapani-paniwala ang sasabihin ko," ani Graciella at dinampot ang isang resibo bago muling nagsalita. "Ang three hundred pesos na resibong ito ay noong limang taong gulang palang ako. Naalala mo pa ba kung ano ang pinaggastusan mo ng perang ito?"Wala sa sarili namang napailing si Thelma. Mapait na napangiti si Graciella. "Of course, hindi mo talaga maaalala. Magmula pa noong bata pa ako, sa bodega na ako ng bahay natin natutulog. Kapag pinapatay na ninyo ang ilaw tuwing gabi, halos wala na akong makita. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga daga sa paligid ko. Ang mga damit na ginagamit ko ay ang mga pinaglumaan na ng kapatid kong lalaki at mga pinsan ko.""Normal lang naman ang narasanan mo, Graciella. Nasa probinsya tayo at wala tayong maraming pambili," argumento ni Thelma."Tama ka, wala tayong pambili dahil hindi naman tayo sagana sa pera. Pero bakit walang kahit na sapin para sa higaan ko sa bodega? Sako ng bigas ang nagsisilibing higaan ko sa loob
Last Updated : 2025-05-21 Read more