Napangiti si Oliver sa naisip niya. "Magaling talagang kumilatis ang mga mata mo, Miss Graciella. Pero kung itsura at yaman lang naman ang pag-uusapan, hindi ba't bagay din ang asawa mo sa aspetong iyon?"Bahagya nagulat si Graciella. Kaswal lang naman niyang pinuri si Oliver at hindi inaasahan na tatanggapin iyon ng lalaki. Mukhang maliban sa pagiging mabait, may pagkapilyo din ang binata. Tipid naman siyang napangiti bago nagsalita."Ordinaryong tao lang naman ang asawa ko, Sir Oliver. Hmm, totoo na may itsura siya pero kung yaman ang pag-uusapan, wala siya ng mga bagay na iyon dahil pagiging driver lang naman ang trabaho niya. Kayo po ang presidente ng Inoue Corporation. Parang wala na po yatang makakapantay sa inyo," dagdag papuri pa niya.Marahan namang umiling si Oliver sa naging pahayag niya. "Nah, hindi totoong walang makakapantay sa akin, Miss Graciella. Alam mo bang may isang tao pang angkop sa deskripsiyon mo sakin? Parang kapareho yata siya ng apelyido ng asawa mo."Sandal
Huling Na-update : 2025-06-04 Magbasa pa