"And so? What will you do? Kill me? Make my business suffer like what you usually do with your enemies?" Kaswal na tinanggal ni Oliver ang suot niyang salamin kasabay ng pag-angat ng sulok ng kanyang labi. "And for your knowledge, makikialam talaga ako. Graciella is Kimberly's best friend like what you have said. Kung masasaktan si Graciella, mag-aalala ang kapatid ko. And I don't want that to happen!"Napakabait ni Graciella at hindi sila bagay ni Levine! "Alam mo ba, sinabi sakin ni Graciella kanina na wala siyang pakialam kahit na pagiging driver lang ang trabaho mo. Wala siyang pakialam kahit na mas mababa ka sa kanya basta magkasama lang kayong dalawa."Mahinang natawa si Oliver at napailing pa. "Sobrang bait mo sa paningin niya. Don't you think it's unfair on her side? Pero sabagay, wala ka mang pakialam diba? Dahil simula't sapul palang, wala ka naman talagang planong seryosohin siya dahil mahirap lang siya. Kung hindi ako nagkakamali, you saw her as nothing but a gold digger!"
Terakhir Diperbarui : 2025-06-05 Baca selengkapnya