Lumipas ang ilang araw kung saan tuluyan ng gumaling si Drake at maging ang sprain niya sa paa kaya't napagpasyahan na niyang pumasok na sa trabaho. Kung noon ay siya ang naghahanda ng agahan para sa kanila ni Drake, ngayon ay magkatuwang na sila. Kahit pa sinabihan na niya ang lalaki na siya na ang bahala, hindi naman siya nito hinahayaan."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito nang matapos silang kumain."Hindi na, magcocommute nalang ako," kaswal niyang tanggi. Naalala niyang naiwan niya nga pala ang scooter niya sa shop noong nakaraan.Pero mariin na umiling si Drake. "Just let me send you to work, Graciella. Sa kotse ka na sumakay at ipagmamaneho kita.""Pero...""No buts."Napailing nalang siya at sinundan ito ng tingin. Parang wala naman yata siyang pagpipilian kundi pagbigyan ang lalaki.Gaya ng nais nito, hinatid siya ng lalaki sa pinagtatrabahuhan niya. Nang pumasok siya sa loob ay agad na bumungad sa kanya ang mapanuksong ngiti ng mga kasama niya.Habang nasa loob siya ng
Last Updated : 2025-06-20 Read more