Share

Kabanata 350

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-21 20:30:04

Nayayamot na napatitig si Ma'am Andrea sa customer na dinaluhan ni Graciella. Kung bakit ba naman kasi nagpunta pa ito sa shop nila? Buntong hininga niyang hinugot ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulansya.

Lumapit din ang ilan sa mga kasamahang lalaki ni Graciella at tinulungan siyang mapaupo ang matandang lalaki sa sofa subalit makalipas ang ilang minutong paghihintay, hindi parin dumating ang ambulansya. Matapos nila itong tawagan ng makailang beses, napag-alaman nilang may aksidente sa daan at kasalukuyan pang naipit sa traffic ang ambulansya.

Habang pinagmamasdan ni Graciella ang matandang lalaki, hindi niya maiwasang isipin si Gavin. Kung sakali man na mahuli sila ng kahit isang minuto lang, maaaring matapos ang buhay ng matandang lalaki kaya hindi na dapat siya mag-aksaya pa ng oras.

"Isasakay ko nalang siya sa scooter ko para salubungin nalang ang ambulansya at madala na siya sa ospital," maya-maya pa'y sabi niya.

Mariin namang umiling si Ma'am Andrea. "Wag kang magpadalo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 353

    Namilog ang mga mata ni Beatrice kasabay ng pag-awang nhmg kanyang mga labi. "A—anong ibig mong sabihin, Levine?"Isang malamig na titig ang ipinukol ni Drake sa kaharap niya. "Your driver outside is arranged by your manager kaya magrereport yan kung ano ang nangyayari sayo. Kung may hindi magandang sitwasyon na kakaharapin mo, tutulungan ka niyan. Pwera nalang kung sinabi mo sa kanya na nasa maayos kang kalagayan ngayon."At ang manager ni Beatrice ay tauhan ni Oliver kaya malamang hindi ito masusuhulan ng babae. At isa lang ang napagtanto niya, Beatrice isn't in danger tonight like what she told him!"Magkano ang ibinayad mo sa mga lalaking yun para umarte?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Drake.Bahagya namang kinabahan si Beatrice. Masyadong smooth ang transaction nila kanina at hindi niya aakalain na agad siyang mahuhuli ni Levine. Pero hindi siya pwedeng umamin! Kung gagawin niya yun, ano nalang ang iisipin ni Levine sa kanya? "Listen, Levine. It's not what you think—""Li

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 352

    Sinadya niyang magluto ng masarap na putahe ngayong gabi bilang pasasalamat sa pag-aalaga nito sa kanya noong nakaraan at bilang paghingi narin ng paumanhin dahil siya ang dahilan kung bakit ito naospital. Pero mukhang magsisilbing munting salu-salo ang mga niluto niya dahil may mahalagang balita siyang nais i-aanunsyo.Isa pa, mabilis na lumalaki ang kanyang tiyan at darating ang araw na hindi na niya maitatago pa kay Drake ang katotohanan. Ikalawa, mabait si Drake at mahal siya nito. Sigurado siyang magiging mabuting ama ang lalaki sa anak nila.Maayos din ang pagsasama nila at hindi naman niya maipagkakaila na gusto niya ang lalaki kaya bakit hindi niya susubukan?"Drake!" Excited niyang tawag sa lalaki nang makarating siya sa kusina subalit agad na napawi ang kanyang ngiti nang makitang nagmamadaling hinubad ng lalaki ang apron nitong suot."Anong nangyayari?" Nagtataka niyang tanong."Sorry, Graciella. May kailangan lang akong asikasuhin na importante," sagot nito.Sa pag-aakalan

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 351

    "Anong oras na?" Malamig na tanong ni Drake kay Owen."Alas sais na po ng gabi Master Levine."Pigil naman ni Owen ang kanyang paghinga. Ayon sa schedule, may isang importanteng kliyente na dapat ay dumating na ng mga oras na iyon subalit lumipas nalang ang ilang oras, hindi pa ito dumating.Kahit na naiinis na si Drake sa pagkakadelay ng naturang meeting, hindi niya magawang tuluyang magalit dahil may malalim na relasyon si Mr.Isolde kay Grandma Hermania.Lihim namang napabuntong hininga si Owen. Mukhang hindi yata aalis si Master Levine sa conference room hangga't hindi dumadating ang kameeting nito. At ibig sabihin lang nun, mananatili din siya sa tabi nito at hindi makakauwi ng maaga.Subalit bago paman dumating si Mr.Isolde, isang mensahe ang dumating sa personal number ni Drake at ilang sandali lang ay tumayo na ang lalaki."Let's go home," aniya at nauna ng lumabas ng conference room.Pinanood naman ni Owen ang kanyang boss na para bang nagkukumahog ng makauwi. Lihim siyang nap

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 350

    Nayayamot na napatitig si Ma'am Andrea sa customer na dinaluhan ni Graciella. Kung bakit ba naman kasi nagpunta pa ito sa shop nila? Buntong hininga niyang hinugot ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulansya.Lumapit din ang ilan sa mga kasamahang lalaki ni Graciella at tinulungan siyang mapaupo ang matandang lalaki sa sofa subalit makalipas ang ilang minutong paghihintay, hindi parin dumating ang ambulansya. Matapos nila itong tawagan ng makailang beses, napag-alaman nilang may aksidente sa daan at kasalukuyan pang naipit sa traffic ang ambulansya.Habang pinagmamasdan ni Graciella ang matandang lalaki, hindi niya maiwasang isipin si Gavin. Kung sakali man na mahuli sila ng kahit isang minuto lang, maaaring matapos ang buhay ng matandang lalaki kaya hindi na dapat siya mag-aksaya pa ng oras."Isasakay ko nalang siya sa scooter ko para salubungin nalang ang ambulansya at madala na siya sa ospital," maya-maya pa'y sabi niya.Mariin namang umiling si Ma'am Andrea. "Wag kang magpadalo

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 349

    Matapos bumili ng sasakyan ni Beatrice ay magiliw itong nagpaalam sa kanilang lahat. Habang pinagmamasdan ni Graciella ang papalayong bulto ng babae, pakiramdam niya hindi natural ang ikinikilos nito. Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya muna ang nararamdaman niya at bumalik na sa trabaho.Makalipas ang ilang sandali, isang matandang lalaki ang dumating sa shop nila. Nakasuot lang ito ng isang simpleng damit.Subalit sa shop na kagaya ng Dynamic Luxury, hindi mainam ang ganung klaseng pormahan. At kung titingnang maigi, iisipin ng makakakita dito na walang pera ang lalaki kaya hindi ito pinansin ng mga empleyadong naroon.Umiinom si Graciella ng tubig nang mamataan niya ang matandang lalaki na nakaharap sa isang luxury car. Para bang nahahalina ang mga mata nitong pagmasdan ang sasakyan."Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang ganyang klaseng customer, Graciella. Siguradong hindi naman yan bibili. Sayang lang sa oras mo," pigil sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya.Tipid na ngumiti

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 348

    Lumipas ang ilang araw kung saan tuluyan ng gumaling si Drake at maging ang sprain niya sa paa kaya't napagpasyahan na niyang pumasok na sa trabaho. Kung noon ay siya ang naghahanda ng agahan para sa kanila ni Drake, ngayon ay magkatuwang na sila. Kahit pa sinabihan na niya ang lalaki na siya na ang bahala, hindi naman siya nito hinahayaan."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito nang matapos silang kumain."Hindi na, magcocommute nalang ako," kaswal niyang tanggi. Naalala niyang naiwan niya nga pala ang scooter niya sa shop noong nakaraan.Pero mariin na umiling si Drake. "Just let me send you to work, Graciella. Sa kotse ka na sumakay at ipagmamaneho kita.""Pero...""No buts."Napailing nalang siya at sinundan ito ng tingin. Parang wala naman yata siyang pagpipilian kundi pagbigyan ang lalaki.Gaya ng nais nito, hinatid siya ng lalaki sa pinagtatrabahuhan niya. Nang pumasok siya sa loob ay agad na bumungad sa kanya ang mapanuksong ngiti ng mga kasama niya.Habang nasa loob siya ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status